Hindi Na Atin Ang Bukas

36 3 0
                                    

Ako'y natulog kagabi ng sadyang kay himbing,

Panaginip ko'y ikaw, iyong ngiti't iyong lambing.
Pero kinabukasan, biglang nagbago ang lahat,
Di ko mapigilan, ang umiyak at kumurap.

Sadyang mapagbiro, mundong ginagalawan,
Pati ikaw at ako, kanyang pinaglaruan.
Hindi ko na matatapos ang kantang "walang wakas",
Dahil masakit mang aminin, hindi na atin ang bukas.

Poem Of BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon