Pinagtagpo Pero Hindi Itinadhana

81 4 0
                                    

(A valentine treat sa lahat ng mga umasa)


Sa isang daan naglalakad ng nakayuko,
Sa isang ikaw, ako ay nabunggo.
Nang maghinang ang mata, lahat ay bumagal,
Yung parang sa sine, hiniling kong tumagal.

Nagsimula kang ngumiti, at doon nagsimula.
Ang pagiging mapaglaro ng tadhana.
Pintig ng aking puso'y bigla kasing lumakas,
Yung tipong kumakawala, gustong tumakas!

Humingi ako ng despensa, at ikaw din,
Natawa, di na lang binigyan ng pansin.
Tumalikod ka agad, at nagsimulang lumayo,
Sinubukan kitang habulin, pero ako'y napahinto.

Sa dulo ng daan, isang lalaki ang sayo'y humalik,
Hinawakan ka sa beywang, yung tipong kay higpit.
Parang nagpapahayag na di ka maagaw,
May nagmamay-ari na pala sa isang ikaw.

Inatras ko ang mga paa, at agad tumalikod,
Dahil kayong dalawa'y ayoko nang mapanood.
Naglakad papalayo, pero naalala ka sa tuwina,
Mukhang tayo'y pinagtagpo, pero hindi itinadhana.

Poem Of BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon