Ubos at Lubos

39 5 0
                                    

Naalala ko dati, nagmahal ako ng todo.
Binigay ko lahat, lahat ng meron ako.
Pero sa huli, luha lang pala ang makakamtan.
Pinalit sa pagmamahal - ay pusong sugatan.

"Okay lang", saad ko sa sarili.
Sa pagsisisi, wala naman kasing mangyayari.
Nakapagmoved-on na ako, masaya kong wika.
Pero bakit nung nakita ka, ako'y biglang napaluha?

Ito ba'y bunga, ng pusong sawi?
O di ko lang matanggap na wala na ang dati?
Makita kang masaya sa piling ng bago mo,
Ay parang sinaksak ang puso ko ng kutsilyo.

Nakakatawa, kasi para akong tanga,
Tumatawa habang nasasaktan na.
Ang sakit lang kasi isipin na wala na ang tayo,
Ang meron na lang, ay magkahiwalay na ikaw at ako.

Hayaan mo, sa susunod na titibok itong puso ko,
Tatandaan ko na ang mga itinuro mo.
Na sa pagmamahal pala'y wag dapat buhos-buhos,
Kasi kulang ang ubos, at hindi sapat ang lubos.

Poem Of BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon