Paano

18 1 0
                                    

Paano kaya kung hindi kita nakilala?
Ngayon kaya'y hindi ako lumuluha?
Paano kaya kung di tayo nagkatagpo?
Puso kaya'y di mawawasak ng ganito?

Paano kaya kung di ka na lang pinansin?
Sa gabi ba'y makakatulog ng mahimbing?
Paano kaya kung di ka na lang sinagot?
Puso ba'y di mababalot ng lungkot?

Paano kaya kung binigay ko ang lahat?
Ako kaya sayo'y mananatiling sapat?
Paano kaya kung inisip ko rin ang aking sarili?
Ngayon kaya'y wala akong pagsisisi?

Sa ngayon, ay wala na akong magagawa.
Kundi ang magmukmok, sabayan pa ng pagluha.
Kasi kahit pala ibigay ko lahat-lahat sa'yo.
Maiiwan at maiiwan ako, ng mga katagang paano.

Poem Of BitterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon