Natapos na ang gabi ng maayos na ang lahat
"sir Keenan okay na nga po pala yung sasakyan niyo " masayang sabi ni Mang Ben kay Keenan
"naku talaga ho? Salamat mang Ben ah the best ka talaga " masayang sabi ng binata, ang lahat naman ay natuwa sa balita
"naku mang Ben salamat po ngayong gabi sa pagtanggap niyo samen" pagpapasalamat ni Daisy
"walang anuman binibini nakakamiss din yung may mga kabataan na dumadayo ng pista , siguro okay na rin na nasiraan kayo " masayang sabi ng matanda
"hahaha naku onga po eh kakaiba talaga tumayming ang pagkakataon ano" dagdag ni Pao
"isa lang ang sigurado ako na maipapayo ko sa inyo, gugulatin kayo lagi ng pagkakataon nasa sa inyo na kung pano niyo tatanggapin ang sitwasyon na ibibigay nito, osya lumalalim na ang gabi marapat na kayo ay magpahinga na alam ko napagod kayo" pagsasabi ni Mang Ben sa kanila
"naku salamat po ulit mang Ben ah" pagpapasalamat ni Eris
"mauuna nako sa bahay salamat din sa inyo bukas nalang ng umaga ah" masayang sabi ni Mang Ben matapos ay umalis na, nagligpit na rin ang ibang tao sa lugar ng mga ginamit sa pista at nagtungo na nga silang lahat sa kani kanilang mga kwarto
"goodnight sa inyo " masayang banggit ni Jed
"goodnight My loves!" pagsasabi naman ni Tyro kay Daisy
"goodnight Ty" sabay ngiti , habang si Tyro naman ay kinikilig sa ngiti ni Daisy
"teka Jed palit tayo!" sigaw ni Tyro
"emeged pwede! Makakatabi ko sila the muscles and all sige swap!" galak na galak naman sa idea ni Tyro si Jed
"loko ka talaga Tyro!" natatawang sabi ni Paolo
"naku nagpapatawa lang tong si Jed kalimutan niyo na hahaha goodnight" matapos ay hinila ni Madi si Jed papaloob sa kwarto
"goodnight !" pahabol na sabi ni Geoff
"sayang naman yun makikipagpalit na eh" panghihinayang ni Tyro habang tinitingnan niya na unti unting pumapasok ang mga babae sa kanilang kwarto
"alam mo Tyro may bukas pa tara na nga " natatawang sabi ni Geoff matapos ay hinila na papalayo ang kaibigan
"ang saya mo ata ngayon Geoff ah dahil ba to kay ms. Sungit?" pang asar ni Paolo sa binata
"hindi naman pala siya ganun kasungit" nakangiting banggit ni Geoff
"Woah woah woah" pang aalaska ni Tyro
"mukhang hindi na MADi ang pangalan niya bukas ah HAPPi na hahaha !" pagbibiro ni Paolo
"alam mo Paolo kaibigan kita pero yang joke mo nakakasuffocate ahahah!" nagtawanan ang magkakaibigan papunta sa kanilang kwarto. Habang sa kwarto ng mga babae
"magtotoothbrush muna ko ah wala na bang gagamit ng CR?" pagpapaalam ni Eris
"ay wala na tapos nako kakabawas ko lang di ba awkward" natatawang sabi ni Jed
"hahaha naku wag ka ng mahiya samen ah parang magkakapatid na tayo dito " masayang sabi ni Eris kay Jed
"naku sis I like you all na <3 hart hart is real mga bes " masayang sabi ni Jed nagtawanan ang lahat matapos ay tumalon na sa kama kung asan si Madi dahil sila ang magkatabi habang sila Daisy At Eris naman ang magkatabi sa isang kama.
"bes ~" sa tono ni Jed ay tila nagpapahiwatig ito na magsisimula na siyang mang asar
"Jed kilala kita alam ko na yan , wala yun." Diretsong sabi ni Madi matapos ay nagtaklob ng Kumot
"naku In denial stage" sabi ni Jed matapos ay kinurot si Madi sa tagiliran
"ui ang sakit ah " sabi ni Madi matapos ay gumanti kay Jed
"ganyan talaga kayo kakclose?" tanong ni Daisy
"ah oo parang magkapatid na kami nitong si Jed" pagsasabi ni Madi
"naku swerte niyo naman sa isa't isa " masayang sabi ni Daisy para sa magkaibigan
"ano ka ba diba magkakapatid na tayo from now on ;)" sabi naman ni Jed
*Toot Toot*
One text message received
From:Gin
"kamusta nga pala cupcake ko?"
"naku nagtext siya sis" sabi ni Jed matapos ay hinila ang kumot ni Madi
"sino?" tanong ni Madi
"sino pa ba edi si Triangle" sabi nito
"triangle?" tanong ni Madi
"kako si Gin " sagot nito
"sino si Gin?" tanong ni Daisy
"ah anak ni sir Ramc" sagot naman ni Madi
"akala ko bata pa anak ni sir? 4 years old?" dagdag ni Daisy
"hahaha more of isip bata, pero mabait naman" kwento ni Jed kay Daisy
"si Gin ba yan?" tanong ni Eris
"emegosh sis may connection agad tayo" naamaze na sabi ni Jed
"narinig ko lang ang sir Ramc hahaha siya lang naman ang nag iisang anak ni sir eh " kwento ni Eris
"naku guys matulog na tayo bago magkwento si Eris" pangangantyaw ni Daisy sa dalaga
"hahaha grabe ka naman saken Days" natatawang sabi ni Eris
"bakit nakakaantok ba siya magkwento?" tanong ni Jed
"hahaha hindi pero hindi tayo makakatulog kasi aabutin tayo ng umaga kaya matulog na tayo" pagsasabi ni Daisy habang natatawa
"sige guys goodnight, bukas ko nalang to replayan haggard na me kelangan ko magbeauty rest " sabi ni Jed at sabay sabay narinig ang tawanan nila sa loob ng kwarto.
"goodnight Guys" matapos ay pinatay na ni Eris ang ilaw.
BINABASA MO ANG
So Called "CHANCE"
Non-FictionANG STORYANG ITO AY TUNGKOL SA MGA BAGAY NA KAILANGAN NG PAGKAKATAON, KAILANGAN NG PANGALAWANG PAGKAKATAON, HUMIHINGI NG PAGKAKATAON, UMAASA SA PAGKAKATAON,WALA NG PAGKAKATAON AT ANG MGA BAGAY NA NAKATAKDANG MAGKARON NG PAGKAKATAON.