"AHHH!" sigaw na maririnig mo sa buong bahay, sigaw ni Pride.
"AHHHH~!" mas lalong malakas na pagsigaw naman ni Madi na halos mabasag na lahat ng pinggan, lahat ng babasagin sa bahay nila.
"teka nga! Madz! ba't ganyan ang itsura mo?!" pabulyaw na sabi ng kuya niya na si Pride
"Aww kuya itsura ko talaga yan -_-" inis na sabi ni Madi
"aww sorry, di pa rin ako sanay XD AHAHAHAH!" tawang halos mamatay ang tawa ni Pride
"tss aga aga pa lakas mangantyaw ah :3" reklamo ni Madi habang nilalagyan ng mainit na tubig ang cup noodles na kinuha niya.
"maaga? alas onse na maaga? -_- tsaka puro ka cup noodles kaya ganyan ang itsura mo eh." panenermon ng kuya neto.
"eh kung ikaw kaya magluto -_-" sagot naman ni Madi sa kanya
"nga pala may lakad ka?" biglang tanong ni Pride
"ah oo." sagot naman ni Madi sa kanya, matapos nitong kumain ay naligo na agad siya at nagbihis na ng maalala niya na hindi niya alam ang address ni Geoff. tinext niya to, tinawagan pero walang sagot. walang reply.
"kung di nga naman bwisit tong taong to." bulong ni Madi sa sarili. matapos ay kinuha niya ang Laptop niya at binuksan ang FB account niya at tiningnan ang profile ni Geoff nagbabakasakaling nandun ang address niya at di naman siya nagkamali dahil nakuha niya.
" :O oh my g! sis ah, ilang oras ka na bang nakatambay sa profile niya?" nagulat si Madi dahil sa biglaang pagdating ni Jed at sumakto pa na nasa profile siya ni Geoff
"kinukuha ko lang yung address ah, utang na loob alisin mo na sa isip mo yang iniisip mo." pangunguna ni Madi kay Jed.
"asus, ok lang yan sis para naman makamove on ka na, teka aalis ka na ba?" tanong ni Jed dito
"ah oo eh." sabi ni Madi sabay sara sa laptop neto.
"ay sayang, ahahah wrong timing din kasi eh." panghihinayan ni Jed
"ah oh anong meron?" tanong ni Madi dito
"ah kasi yung anak nung Prof niyo, si Sir Ramc kung di ako nagkakamali, nag-aayang lumabas ipapakita niya daw saken yung super crush niya as in todo todo na :V mang-iistalk kami hahahah!" proud na sabi ni Jed.
"buset :V kala ko naman kung ano. sige ingat nalang kayo, Jed una nako ah." pagpapaalam ni Madi dito.
"sige enjoy!" sigaw naman ni Jed sa kanya bago tuluyang umalis.
lumipas ang ilang oras eh sa wakas natunton niya na din ang bahay nila Geoff.
*DING DONG*
BINABASA MO ANG
So Called "CHANCE"
Non-FictionANG STORYANG ITO AY TUNGKOL SA MGA BAGAY NA KAILANGAN NG PAGKAKATAON, KAILANGAN NG PANGALAWANG PAGKAKATAON, HUMIHINGI NG PAGKAKATAON, UMAASA SA PAGKAKATAON,WALA NG PAGKAKATAON AT ANG MGA BAGAY NA NAKATAKDANG MAGKARON NG PAGKAKATAON.