Geoff's POV:
"kasalanan ko bang di pala siya nakikinig saken kahapon nung kausap ko siya? kasalanan ko bang naniwala siya sa prank ko? kasalanan ko bang gwapo ako? kasalanan ko bang habulin ako ng chiks? na multi talented ako? kasalanan ko ba yun?"
*RING*
"hello." sagot ko sa phone kanina pa to ganito pero di naman sumasagot, same number at ayun binaba na naman.
*RING*
"hello speaking?" binaba na naman ulit, isa pang tawag neto mapupuno nako :3
*RING*
"ANO BA?! SINO KA BA?!" naasar nako, tulad ng sabi nila, may hangganan ang lahat. pati pasensya ko hindi nakaligtas.
"ay kakatampo ka na di pala nakasave number ko diyan sa phone mo?" boses palang kilala ko na kung sino to.
"Ate Li?! sorry sorry hindi ko na kasi tiningnan eh akala ko kasi yung tumawag saken ng 57 times yun ngayong araw taz pag sinagot di naman ako sinasagot kaya ayun sorry nasigawan kita." pagpapaliwanag ko. since wala akong kapatid siya ang nagsilbing Ate ko ang pinsan ko, Si ate Lian.
"Kamusta ka na diyan? pinapatanong saken nila Tita yung kalagayan mo ngayon diyan eh tsaka siguro mga 5 months na rin tayong walang communication kaya yun I contacted you na." sabi neto.
"I'm good. kayo? kelan kayo uuwi?" tanong ko. actually siya lang ang gusto kong tanungin niyan, alam niya namang di kami ganun ka close ng parents ko eh pero since kinakamusta nila ko base sa sinabi saken ni ate, hindi naman masamang kamustahin ko din sila, kaya ko din namang ibaba ang pride ko. there's nothing wrong in lowering your pride.
"ako di ko pa alam, tapos sila tita di pa ata kasi may inaasikaso pa sila dito pero hahabol daw sila sa birthday mo :) " nadismaya naman ako sa sinabi ni ate akala ko pa naman babalik na siya :3
"ah ganun ba oh ano ng balita sayo? may nameet ka na ba diyan na much better than your ex?" tanong ko sa kanya, last year kasi nakipagbreak yun sa pinakamatagal niyang boyfriend , 6 years din yun noh.
"ahaahaha there's no more better than Pride" seryoso niyang sabi.
"eh ba't mo hiniwalayan?" tanong ko naman sa kanya.
"minsan kasi may mga bagay kang kelangan gawin kahit na ayaw mo pa." yan ang sinabi niyang nakapag-paisip saken.
"pero diba may choice ka naman kung susundin mo o hindi?" tanong ko.
"human nature, syempre mas pipiliin mo yung option na ikakasaya ng nakakarami." mukhang lumalalim na yung usapan namin, siguro nasaktan talaga siya ng sobra. kaya ako pag nagmahal ako, I'll make sure that woman is worth fighting for.
"easy lang ate ahahahha! sige ka baka mawala ang ganda mo niyan." biro ko sa kanya.
"o siya sa susunod nalang ulit ah , alam kong late na diyan matulog ka na, kumain ka in time tsaka ingat ka lagi ." pagpapaalala niya saken, sabi sa inyo eh, daig niya pa nga parents ko eh,
"ahahahha mind yourself. ok then goodnight." tapos nun eh ibinaba niya na ang telepono. Matapos nun eh nag-isip ako ng magiging theme ng project namin and di ako nabigo.
Chances, an opportunity to do something. ang kelangan ng marami, ang hinihingi ng ilan, ang kelangang hingin ulit ng karamihan, ang nakatakdang mangyari sa iilan. Chance na isang bagay di dapat sinasayang. tama, ang them nalang namin ay all about chance. of how people will deal to a chance. Yung kwentong kelangan ng pagkakataon, kailangan ng pangalawang pagkakataon,humihingi ng pagkakataon, wala ng pagkakataon at ang mga bagay na nakatakdang magkaron ng pagkakataon.
Habang sa kabilang parte naman.
Madi's POV:
"nakakainis talaga siya, hindi nakakatuwa yung ginawa niya." reklamo ko habang nakaharap sa unan ko
*TOK TOK*
"Madz kumain ka na ba?" tanong ni kuya.
"ah sige na mauna ka na, kakain nalang ako mamaya paggising ko" sagot ko naman.
"ah ganun pa sige sige, basta wag kang matutulog agad pagtapos mong kumain. goodnight." sabi nito matapos ay umalis na.
bakit kaya ganun ang mundo? mabait naman si kuya Pride kahit papano, I mean literal talaga. bakit naiiwan lagi ang mas nagmamahal? dahil ba sa salitang "mas" kaya din sila mas nasasaktan, kaya sila naiiwan. bakit minsan ok naman ang pagkakataon pero may nangyayari pa ring hindi naaayon sa kagustuhan natin? bakit natin kelangang malungkot para may ibang sumaya? para fair? para balanse ang ikot ng mundo? kung fair ang mundo eh di sana lahat may second chance. pero since nasa realidad tayo at hindi tayo isang bidang karakter sa libro na laging aayon sa kanya ang lahat ,diba dapat First chance mo palang pinapahalagahan mo na kasi walang assurance na may kasunod pa. bakit kaya may mga taong sinasayang ang pagkakataon nila habang yung iba naman ilang beses ng ipinagdasal sa 11:11, ilang barya na ang nasayang sa wishing well, ilang gabi ng napuyat kakahiling sa pagkakataon na sinayang lang ng iba.
hay inaantok nako, bukas na nga lang to. isinara ko na ang kwardernong hawak hawak ko kasabay ng pagbitaw ko sa panulat na nasa kamay ko. at ipinikit ko na ang mata ko. sana sa pagpikit nito, kahit dun lang. mawala yung sakit na nararamdaman ko, kahit di lahat. kahit konti lang.
____________________________________________________________________________
VOTE/COMMENT
BINABASA MO ANG
So Called "CHANCE"
Non-FictionANG STORYANG ITO AY TUNGKOL SA MGA BAGAY NA KAILANGAN NG PAGKAKATAON, KAILANGAN NG PANGALAWANG PAGKAKATAON, HUMIHINGI NG PAGKAKATAON, UMAASA SA PAGKAKATAON,WALA NG PAGKAKATAON AT ANG MGA BAGAY NA NAKATAKDANG MAGKARON NG PAGKAKATAON.