#11 SOC

9 0 0
                                    

"oh nyare dun?" napahinto si Geoff sa pagkanta ng makita niya na umalis sa upuan si Madi.

"ahm alam mo kasi yung kinanta mo, themesong kasi nila yun ng boyfriend niya, I mean ex na pala." Pagpapaliwang ni Jed sa binata

"hala ang insensitive mo Geoff" Sabi ni Tyro

"easy lang guys di niya kasalanan" pagsasabi ni Jed, umalis si Geoff para sundan si Madi, hinanap niya ang dalaga sa lugar kung san ito nagtungo at nakita niya to, nakatingin lang sa itaas ng langit na para bang may hinihiling.

"shooting stars?" tanong ni Geoff sa dalaga

"nah, di naman totoo yun eh." Sabi neto sa malungkot na tono

"how come di galit ang tono mo ngayon?" sabi nito sa dalaga

"nakakapagod din pala." Maikling sagot ni Madi sa binata

"ang alin? Ang masaktan? O ang magalit? " seryosong tanong niya

"ang magalit kasi nasasaktan ka." Sabi nito

"look, Sorry about the song, hindi ko alam " seryosong paghingi ng paumanhin ng binata sa dalaga

"it's okay, wala ka naming alam sa past ko" lumingon ang dalaga sa binata matapos ay nginitian ito.

"first " masayang sabi ni Geoff

"huh? Pagtataka ng dalaga

"unang beses mong ngumiti sa harap ko " masayang sabi nito

"first din." Sabi ng dalaga

" ang alin?" tanong ni Geoff

"you saying sorry, kahit na alam mong hindi mo naman kasalanan." Masayang sabi ni Madi

"how come di tayo nagkasundo umpisa palang?" napatingala si Geoff sa Langit

"kasi siguro mayabang ka at Suplada ako at times" natatawang sabi ni Madi

"so does this means we're friends?" sabay abot ng kamay ng binata sa kamay ni Madi

"more of getting to know if you're a friend or not" natatawang sabi ni Madi

"hahaha alam mo you're funny" natatawang sabi naman ni Geoff

"oo nga nakakatawa ako" natatawang sabi ni Madi sa binata

"ikaw ang nang iwan o ikaw ang iniwan?" pang uusisa ni Geoff

"the last one." Sabi ni Madi

"awts. So that's it. That's why ganun ka nalang ka aaffected sa term na iniwanan." malungkot na banggit ng binata

"I guess so, mahirap maiwan, yung akala mo okay lang ang lahat then day by day unti unting nawawala yung dating siya, tapos isang araw magigising ka nalang ng umiiyak kasi akala mo panaginip lang ng sinabi niya na ayaw na niya tapos iniwan ka sa kalagitnaan ng ulan ng walang other explanation of why are you being left there." Pagsasaad ni Madi, naiba ang mood dahil sa sinabi ng dalaga sa binata, naalala niya na naman ang sakit ng iwan siya ni Drew.

"maiiwan ka pero matututo ka, I think kung asan man ang lalaking yun ngayon he has regrets of leaving you alone" sabi naman ni Geoff sa dalaga

"I know it's time to move on hindi pwedeng lagi akong ganito" sabi ni Madi

"alam mo I can help you with that, I can even introduce you to some of my friends" masayang sabi ng binata

"hahaha sino naman si Keenan? Si Ty o si Pao? Hahha kung nasa tatlo lang din yan oh please okay lang ako hahaha!" natatawang sabi ni Madi

"hahaha grabe ka naman sa tatlo hahahha!" at unti unting nabago ang ambiance sa lugar, ang kaninang tahimik lang ay nagging masigla.

"bagay!" sigaw ni Jed , kasama niya sila Tyro, Eris at Paolo at agad naming lumingon ang dalawa

"hindi ah" sabay na banggit ng dalawa

"anong hindi ah pagtataka naman ni Tyro

"sabi niyo bagay." Sabi ni Madi sabay lingon ka Geoff habang umiiling

"hahhaa kako bagay ang lugar na to bilang isa sa shooting area, kung san makikita ni Boy si Girl" sabi naman ni Paolo

"kayo ah masyado kayong defensive" pang aasar ni Jed

"balik na kayo dun nako mamimiss niyo na yung pinagmamalaking lechon ni Mang Ben " pagsasabi naman ni Eris

"hahaha eto na nga o babalik na kami" matapos ay tumayo na ang dalawa sa kinauupuang bato at sumunod na sa tatlo

"so how's the weather?" pang uusisa ni Jed

"ano ka ba wala yun" pagtatanggol naman ni Madi sa sarili

"may pa bagyo bagyo ka pa ah" asar ni Jed , napailing nalang si Madi sa pang uusisa sa kanya ni Jed matapos ay naglakad na sila patungo sa kung san nagaganap ang pista para icelebrate itong muli ng masaya at walang iniisip na iba.

So Called "CHANCE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon