#13 SCC

10 0 0
                                    



Pride's POV

"bakit kasi Pride ang pangalan ko samantalang wala naman nakong Pride simula ng naging kami, hanggang ngayon wala na kami. Nakakatawang isipin na taliwas sa pangalan ko ang kung anong meron ako. Bakit kasi hindi nalang ako naging manloloko gaya ng ibang lalaki para hindi ako ganito ngayon, masyadong attached sa kung anong wala na. "

*Flash Back

"pwede na siguro yan? Palagay mo direk?" tanong saken ng babaeng nag aayos sa mga modelo ng commercial na dinerek ko.

"hindi ba parang masyadong masakit sa mata yan?" tanong ko sa kanya kasi naman ang gusto niyang ipasuot sa model eh yung kumukuti kutitap na damit eh hindi pa naman magpapasko para magmistulang Christmas décor yung model hahaa gusto niyang igaya sa Fashion niya

"ah ganun ba sige palitan natin" sabi niya parang nawala yung energy ng babae na kausap ko, habang nagdidirek ako napapansin ko yung babae na nagtanong saken kanina, ewan ko parang may iba sa kanya , don't get me wrong wala siyang sakit ah hahaha! It's just that She caught my attention. The way manamit siya, super baduy.

"sino yang babaeng naka floral na damit with pants na stripes?" tanong ko kay Pogs, isa sa mga camera man.

"ah sir si ma'am Lian po yan, yung designer ng mga damit?" nagulat ako sa sinabi niya I'm starting to feel bad dahil sa nasabi ko kanina di ko naman alam eh

"guys thank you sa cooperation niyo ngayong araw, the shoot went well because of all your hardwork, pack up na tayo" at nagsimula ng mag ayos ng mga gamit ang mga crew at mga kasama ko sa shoot.

"hey, sorry" yun ang una ko agad na sinabi sa kanya, kay Lian. Hindi ko alam na ang taong nilapitan ko pala ang taong makakapagpatibok ng puso ko. Humarap siya saken nakalugay na ang mga buhok niya na kanina eh nakapony at yung salamin niya eh tinanggal niya para punasan, maganda naman pala siya. Sobra.

"ano ka ba okay lang noh next time susundin ko yung suggestion mo, hindi naman kasi talaga okay pag masakit sa mata tingnan ang isang damit" ewan ko kanina lang malungkot siya ngayon masaya na siya pero ang ganda niya talaga.

"Mahilig ka ba sa Indie Films? " tanong ko sa kanya

"bakit? Icacast mo ko?" sagot niya saken natatawa ako kasi yung ibang babae pag tinanong ko hindi ang sagot agad at nag eend na ang conversation namin agad haha iba to. Umpisa palang alam ko na

"ah hindi, yayayain sana kita manood" sabi ko sa kanya

"ah akala ko naman hahaha! Sure sige nood tayo nun gusto ko rin yung mga plot ng mga ganung kwento kasi di masyadong pinapakita sa TV yung mga ganun eh kahit sa mga cinemas bihira lang kaya natutuwa ako malaman ang kwento ng iba" masaya ako at pareho kaming dalawa.

Matapos ang unang date namin tinanong ko na agad siya

"Lian , can you be my girlfriend?" tanong ko sa kanya diniretso ko na , dahil simula palang ng niyaya ko sya hanggang makasama ko siya alam ko na siya na ang taong gusto ko laging nakikita sa araw araw ng buhay ko.

"sige" matapos ay niyakap niya ko, hahha kakaiba talaga hindi ko akalain na hindi siya tumanggi saken , well gwapo naman ako may maayos na trabaho pero syempre alam ko girls have standards parang ako lang pagdating sa mga idedirek ko.

Lumipas ang mga araw, buwan at taon masaya kaming dalawa ni Lian, isa na siya sa mga in demand na fashion designer ngayon sa bansa.

"hon tingnan mo nga to kung okay lang?" ang ganda ganda talaga ng girlfriend ko walang makakapantay maliban sa nanay ko syempre hahaha

"oo naman hon lahat ata bagay sayo eh, wag ka masyadong magpaganda ah baka maya niyan ikaw ang gawing model ;) maagaw ka pa saken" pagbibiro ko sa babaeng kaharap ko ngayon, si Lian Ocampo ang pinakamagandang babae para saken

"hahaaha opo Mister Montero alam mo naman na sayong sayo lang ako diba?" matapos ay lumapit siya saken tumingkayad at saka hinalikan ako sa labi, everytime she does that, feeling ko humihinto ang mundo ko.

"osya tapos ka na diyan diba? Tikman mo na tong pasta na niluto ko eto yung favorite mo :D" masayang sabi ko tapos eh sinubuan ko siya ng pasta.

"galling talaga ng hon ko magluto, tataba ako sayo eh" masayang biro niya saken.

Masaya naman kami eh, ewan ko kung san kami nagkamali. Kung san nawala na yung KAMI.

"Pride we need to talk." Sabi niya saken alam ko na ito na ang kinatatakutan ko. Ang mga salitang ganito.

"nag uusap na tayo diba kaw talaga hon joker ka minsan" sabay tawa ko, I need to make the ambiance a little light para hindi ako mag isip ng kung ano ano, pero ang mga kasunod na salita niya ang mga bagay na sana hindi ko nalang narinig.

"Pride di to joke, I need time. Ikaw rin kelangan mo. Hindi na tayo nakakabuti sa isa't isa" hindi ko alam pero blurred na ang paningin ko parang may humaharang sa mata ko

"hon di ko kelangan ng time, ikaw ang kelangan ko please wag naman ganito" pagmamakaawa ko kay Lian ,alam ko tong mga linya na ganito eh, alam ko kung san to patungo siya lang talaga ang taong nakikita ko at nararamdaman ko na gusto ko kasama habang buhay kaya ayaw ko siya mawala

"Pride para saten to, let's break up" yan ang katagang sana hindi ko nalang hinayaan na sabihin niya saken.

"ba't ganun? Para ka lang nagyayaya magsine, ganyan lang ba kadali ang lahat para sayo ha Lian? Bakit parang hindi mo naman pinahalagahan ang mga bagay na pinagsamahan nating dalawa? Please li wag naman bawiin mo please promise I'll act as if walang nangyaring ganito bawiin mo lang ang sinabi mo" naiiyak nako hindi talaga bagay saken ang pangalang Pride. I don't even have that.

"delete mo nalang ang pics ko sa Cellphone mo, tanggalin mo na rin ang mga nasa picture Frame mo, ganun din ang gagawin ko. Mahal kita Pride alam mo yun pero kailangan kitang iwan, may malaking offer saken outside the country at hindi ko kaya ang long distance relationship alam mo yan." Pagsasabi niya saken dire diretso lang siya ni hindi nga siya umiyak eh pursigido na siya hindi ko na siya kayang pigilan.

"sige kung yan ang gusto mo, one thing. Sana matutunan mo dun na pag mahal mo dapat di mo iniiwan, dapat di ka nang iiwan." Matapos ay umalis nako. ako ang umalis pero siya ang nang iwan nakakatawa diba. Siya lang talaga ang taong kayang pahintuin ang mundo ko, pero ngayon, hindi dahil sa halik niya. 

*Flashback Ends Here

Kaya ayaw ko na naiiwan dito ng mag isa eh, naalala ko lahat ng nangyari . Siguro oras na para mag move on, myself deserves better than how I treat it. I should start living again the way I lived before Lian happened in my Life. As if she didn't even exist at all.

Tinanggal ko lahat ng bagay na makakapag paalala saken sa kanya at inayos ko lang ang kwarto ko buong gabi. Nakakapagod mabuhay sa nakaraang di na pwedeng ibalik, yung Ako nalang ang nakakapit sa taong matagal ng bumitaw.


So Called "CHANCE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon