#10 SCC

24 1 0
                                    

matapos makapaghanda ay agad na silang pumunta sa pagtitipon upang makiisa sa piyesta.

"grabe mang Ben wala pa rin talagang nagbago :)" masayang sabi ni Keenan matapos makita ang paghahanda na ginawa nila Mang Ben.

"ahahaha alam mo naman ijo inaabangan din ng karamihan ang pista dito kasi dito lang kami nakakapagpahinga sa mga trabaho namin." saad naman ni Mang Ben

"magsisimula na po ang programa natin , inaanyayahan ko pa ang lahat sanay makilahok sa gagawing mga palaro :)" masayang sabi ng isa sa mga kabaryo ni Mang Ben.

"guys palaro daw, mukhang masaya to :D" tuwang tuwa na sabi ni Tyro.

"ahahaha onga kaya siguro nangyari saten kanina ang bagay na di naman naayon sa gusto natin, kasi binibigyan tayo ng pagkakataon na maging mas masaya pa sa kung anong pwede nating maranasan kanina, at mukhang ngayon ang magandang pagkakataon :)" saad naman ni Daisy

"onga noh truelabels ka diyan teh." pagsang-ayon naman sa kanya ni Jed.

"first game, alam niyo naman siguro yung habulang biik? " Tanong nung isa sa mga kasama ni Mang Ben

"sus title palang obvious na." nasabi ni Paolo.

"so alam niyo na pala pwede na po tayong magstart, 2 participants po mula sa inyo?" sabay turo neto sa grupo nila Jed.

"kunin niyo na po sila!" sabay tulak nila Jed at Eris kela Madi at Geoff.

"teka ano ba?" tanong ni Madi Kay Jed

"ay nako teh konti nalang babatukan na kita sumali ka na." ayun wala ng nagawa si Madi kundi ang sumali habang si Geoff naman ay sumali na din.

"tss goodluck." sabi ni Geoff kay Madi.

"goodluck din." nasabi ni Madi sa kanya matapos ay nagsimula na, isang bik lang ang hinahabol nila kaya naman napakahirap sa kanila matapos ay nasa loob pa sila ng putikan kaya medyo madulas pero patuloy ang lahat ng kalahok sa pagktakbo at paghabol sa biik hanggang sa naging 5 nalaang, tapos naging apat, naging tatlo hanggang sa yung dalawa nalang ang natira, wala ata sa bukabularyo ng dalawa ang pagkatalo sa laro.

"GO GO GO! MADIIII~!" pagchecheer ni Jed sa kaibigan

"WOOHH KAYA MO YAN PARE~!" di naman pagpapatalo ni Tyro

"alam mo mabuti pa sumuko ka nalang." nasabi ni Madi habang hingal na hingal na sa kakatakbo.

"tatalunin kita dito haha." natatawang sabi ni Geoff matapos ay biglang tumigil ang biik at silang dalawa naman ay handa ng atakihin to ngunit nung sinunggaban nilang pareho ang biik eh bigla itong tumakbo kaya naman napahiga ang dalawa sa putikan. medyo natagalan ng ilang segundo bago narealize ng dalawa na magkapatong pala sila kaya naman agad na itong bumangon

"YUN OH!~"sigaw ni Keenan

"asus kunwari ayaw." natatawang sabi ni Jed

So Called "CHANCE"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon