LOVING a Non-Existing | PROLOGUE

1.1K 42 32
  • Dedicated kay Jane Baning del Rosario
                                    

Anonymous muna po ang name ko ;)

Baka malaman ni GF na ako ang gumawa nito.

It's a surprise for her. Sana magustuhan nyo and support po if ever. 

--------------------------------------

 LOVING a Non-Existing

#LaNE PROLOGUE: The Introduction

"Naranansan mo na bang ma-inlove?

Masarap 'di ba? Magical ika nga nila.

Paano kung mahulog ka sa isang tao na hindi naman pala talaga nag-eexist?

Sundan ang love story nina Aexia at Xione, at nina Xilent at Aegix."

Sypnosis:

Si Aexia Villamendez nasa kanya na ang lahat, magandang mukha at sexy na pangangatawan, marangyang pamumuhay. President ng pinakasikat na mall sa bansa, pero isama na rin pati  ang masamang niyang pag-uugali.

Si Xione Villaveser, gwapong businessman, makisig at gustuhin ng mga kababaihan. Kinagigiliwan s'ya ng lahat nang dahil sa kabaitan at pagiging responsable, sa kabila ng mga ito ay simple pa rin siyang mamuhay.

Paano kung sa unang pagkukrus ng kanilang landas mag-take-effect ang isang sumpa?

Nang dahil sa sumpa, Si Aexia ay magiging lalake at gagamitin ang pangalang Xilent.

Samantalang si Xione, magiging babae at magkukubli sa pangalang Aegix. Paano nila gaganapin ang kanilang totoong buhay kung gayong wala ng nakakakilala sa kanilang bagong pisikal na anyo.

At sa muling pagkrukrus ng kanilang landas sa hindi nakasanayang wangis at itsura bilang bagong tao, magkaroon kaya ng pagsisimula sa pagsibol ng hindi inaasahang pagiibigan?

O baka mas maging mitya ng mas marami pang conflicts at problema sa dating normal nilang mga buhay?

Loving a Non Existing  #LaNETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon