BABALA: Ang kwentong ito ay may deleted parts kaya kung ayaw ninyong mabitin ay huwag niyo nang ipagpatuloy ang pagbabasa. Nasa DREAME po ang complete version ng story na ito. Bukod doon ay isa na rin po itong PUBLISHED BOOK. Maraming salamat!
PROLOGUE
TAONG 2003...
Umiiyak nang sobrang hard si Adelentada nang lapitan siya ng nakakatanda niyang kapatid na si Natasha. Matanda ito ng tatlong taon sa kanya. Nakaupo siya sa gilid ng kanyang kama at hulas na hulas na ang make-up dahil sa kanyang luha. Magkapatid sila pero hindi sila ganoon magkamukha. Mahaba ang mukha ni Natasha habang siya naman ay medyo may kalaparan. Kung sa buwan, half moon ang ate niya at full moon naman siya.
"Ateee!!!" Palahaw ni Adelentada sabay yakap sa kapatid.
"Anong nangyari? Umiiyak ka ba?"
Inilayo niya ang sarili sa kapatid at itinuro ang luha. "Baka hindi! Baka pawis ko lang ito tapos sa mata lumalabas!" sarcastic na sabi niya.
Tumayo si Adelentada at naglakad-lakad sa kanyang silid.
"Pinagbawalan ako ni Lola Vicente na makipagkita sa aking sinisinta na si Amando," pagkukwento niya nang bahagya na siyang kumalma.
"Ano?! Kasintahan mo ang ating hardinero?!"
Humarap si Adelentada sa kapatid at kinagat ang pang-ibabang labi. "Hindi lang siya basta-bastang hardinero, ate. Masarap siya, ate. Masarap!"
"Masarap? Na ano? Saan?"
"Magmahal! Masarap magmahal si Amando. Ipinaramdam niya sa akin kung paano ang maging isang babae. He cares for me, ate. Pero bakit hindi iyon makita ng ating lolo? Bakit kailangan niya akong ikulong dito sa aking kwarto?!"
"Anong nakakulong? Hindi naka-lock ang pinto ng kwarto mo kaya nga ako nakapasok! OA lang, Adelentada?"
"Gano'n ba? Sorry naman. Basta, hindi ko maintindihan si lolo. Simula nang mamatay ang Papa at Mama dahil sa plane crash ay naging mahigpit na siya sa atin. Eighteen na ako, hindi na ako bata! Dinudugo na nga buwan-buwan ang pekpek ko, e! Ang gusto niya ay siya ang masusunod sa buhay natin, ate!"
Tumayo si Natasha at nilapitan siya. Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat. "Dama ko na ang taglay mong kalandian noon pa man, Adelentada. Kaya kung gusto mo talagang makasama si Amando ay tutulungan ko kayong makatakas dito sa mansion ng Del Mundo. Magpakalayo-layo kayong dalawa at huwag nang babalik pa dito para masolo ko ang pamana ni lolo--"
"Anong sabi mo, ate? Masolo ang ano?"
"Ah, eh... Masolo ko ang... galit! Galit ni lolo!"
"M-magsasakripisyo ka para sa akin, ate?" Naluluhang tanong ni Adelentada.
Tumango si Natasha. "Suportado ko ang kakirihan mo!"
"Oh, ate! Salamat! Salamat!" At mahigpit na niyakap ni Adelentada si Natasha.
TO BE CONTINUED...
BINABASA MO ANG
Love Me, Kill Me
HumorPatay na patay si Adelentada Del Mundo sa young and fresh at bagong lipat na boy next door na si Ruperto. Feeling nga niya ay kaya niyang gawin lahat para dito. Kasabay ng paglipat ni Ruperto sa katabing bahay nila ay nag-umpisa na rin ang ilang pag...