CHAPTER FIVE
MATAPOS na magkausap ng kaunti ay umalis na rin si Adelentada. At nang makaalis na ang babae ay saka lang ulit tinawagan ni Ruperto si Natasha. Tatawagan niya kasi sana ang nobya nang bigla namang dumating si Adelentada. Kahit obvious ay talagang tinanong nito kung siya daw ba ang nakatira sa kalapit na bahay ng mga ito.
Ang totoo niyan ay sinadya niyang tumira doon pansamantala para maisagawa niya ang misyon na patayin ito. Mas malapit siya sa target, mas magiging madali para sa kanya.
“Bebeboy! Bakit naman ngayon ka lang tumawag? I miss you na kaya!” Parang pusang nagtatampo na salubong sa kanya ni Natasha.
“Sorry, bebegirl… Ang gusto ko kasi kapag tumawag ako sa’yo ay may good news akong sasabihin.”
“Good news?! Ang ibig mo bang sabihin ay napatay mo na si Adelentada?!”
“Hinid pa--”
“What?! Anong good news 'yan kung hindi mo pa siya napapatay?!”
“Bebegirl, kalma, okay? Hindi ko pa siya napapatay pero nahanap ko na siya.”
“Good! Then, patayin mo na siya agad-agad! I want that girl dead. Now!”
“Edi, ikaw na kaya ang pumatay?” Medyo naiinis na sagot ni Ruperto. Isa iyon sa mga ayaw niyang ugali ni Natasha. Masyado itong demanding.
“What did you just said?”
“Bebegirl, sorry. Ikaw naman kasi, nagmamadali ka naman. Alam mo naman na mahirap pumatay ngayon ng basta na lang. Gusto mo bang patayin ko agad si Adelentada tapos makukulong naman ako?”
“Ayoko, bebeboy! No. I don’t like!”
“Iyon naman pala, e. Ang balak ko sana ay pagmukhaing aksidente lang ang pagkamatay ni Adelentada. Iyong aakalain ng mga tao na walang pumatay sa kanya. Kuha mo na?”
“Ahh… Kuha ko na, bebeboy. Ang talino mo talaga kaya love na love kita, e!” At kinikilig na humagikhik ito. “Basta, bilisan mo na. Gawin mo na ang mission mo para naman makabalik ka na dito.”
“Yes, bebegirl.”
“Oo nga pala, may budget ka pa ba diyan?”
Napakamot sa ulo si Ruperto. “Wala na nga, bebegirl, e. Kaya nga napatawag rin ako sa iyo dahil hihingi sana ako sa iyo ng budget ko para--”
“One hundred thousand have been transferred to your count, bebeboy!”
“Wow naman! I love you, bebegirl!”
“I love you too, bebeboy!”
Nag-usap pa sila nang ilang oras hanggang sa nagpaalam na sila sa isa’t isa.
-----***-----
GULAT na gulat sina Maxima at Odessa nang kinabukasan sa almusal ay makita siya ng mga ito na naka-make up at kuntodo-pustura. Nakasuot lang naman siya ng isang fitted dress na hanggang tuhod niya. Kulay silver iyon at kumikinang-kinang kapag natatamaan ng liwanag. Habang kumakain ay nakanganga sa kanya ang dalawang bakla kaya naman kinausap na ni Adelentada ang mga ito.
“O, baka pasukan ng bubuyog 'yang mga bibig niyo. Ano bang meron at ganiyan kayo makatingin sa akin?” Kunwari’y patay-malisya niyang tanong.
Napailing si Maxima. “Ate, tinatanong mo kami kung anong meron? Hindi kaya, ikaw ang dapat naming tanungin kung anong meron?”
“Oo nga, ate. Akala mo ba ikinaganda mo ang suot mo ngayon? Mukha kang bangus diyan, 'te. Sa totoo lang,” segunda pa ni Odessa.
“Naku, ate, 'wag ka talagang lalapit sa mga photographer at cameraman dahil mapagkakamalan ka talagang reflector. Sinasabi ko sa’yo, ate!” ani Maxima.
Dinampot niya ang tinidor at iniumang sa dalawa. “Gusto niyo na pagtutusukin ko mga bunganga niyo? Imbes na i-cheer niyo ako ay panlalait pa nakukuha ko sa inyo. Hindi ba’t ang ganda ko sa suot ko? Gusto ko lang naman na mapansin ako ni Ruperto at baka magawi na naman siya sa shop! Malay niyo bigla siyang magpalaba. Dapat lang na maganda at presentable ako, 'di ba?” aniya.
“Sige na, oo na, ate. Push mo na iyan! Pero akala ba namin negosyo muna bago ang love life? Bakit pumapag-ibig ka na yata ngayon?”
“Ano bang pakialam niyo? Kumain na nga lang kayo diyan! Mga baklang 'to!” bulyaw niya.
-----***-----
HINDI nga nagkamali si Adelentada sa sinabi niya dahil kakabukas pa lang nila ng laundry shop ay dumating agad si Ruperto at magpapalaba daw ito. Hindi naman siya humaharap sa mga nagpapalaba dahil trabaho iyon nina Maxima at Odessa pero tinabig niya ang dalawa para gawin iyon. Pero bago siya humarap sa lalaki ay sinipat muna niya ang kanyang sariling mukha sa compact mirror niya. Hindi pa naman hulas ang make up niya. Keri na 'yon.
“Hello, Ruperto. Magpapalaba ka ba?” Nag-beautiful eyes pa talaga siya.
Luminga-linga si Ruperto sabay tingin sa kanya. “May mga washing machine at dryer… Baka kakain ako. Laundry shop ito, e.”
Isang malakas na tawa ang pinakawalan ni Adelentada. Wala siyang pakialam kung nakikita na ng lalaki ang umuuga-uga niyang ngala-ngala. “Ano ka ba?! Nakakatawa ka naman, e! Ang funny-funny mo, Ruperto! Kainesh ka!” May pahampas-hampas pa sa braso nito na sabi niya.
Ngingiti-ngiti lang si Ruperto.
Napatulala tuloy dito si Adelentada. Ang gwapo talaga nito. Habang tinititigan niya ito ay mas lalo itong gumagwapo. Ganito ang mga tipo niyang lalaki. Gwapo, Pinoy na Pinoy ang dating tapos iniligtas pa siya nito. Haay… umiibig na nga yata siya dito. Grabe kasi ang tibok ng puso niya ngayong nasa harapan niya ito. Ang bilis!
“Ito na iyong mga ipapalaba ko…” Isang medium-sized na plastic bag ang ipinatong nito sa counter.
“Ano ba mga iyan?” curious na tanong niya.
“T-shirts, pants saka brief.”
“Brief?!” Eksaheradang react niya na may kasama pang paghawak sa kanyang dibdib na akala mo ay mawawalan siya ng malay. “M-may b-brief d-diyan?”
“Oo. Bakit? Hindi ba kayo naglalaba dito ng brief? Kung ganoon ay kukuni ko na lang--”
“Ay, hindi! Hindi! 'Wag!” Mabilis na hinawakan ni Adelentada ang kamay ni Ruperto upang pigilan ito. “N-naglalaba din naman kami ng mga… brief. Pero ano kasi…”
“Ano?”
“Ano… nasira kasi lahat ng washing machine namin ngayon. Oo. Nasira. Umaandar kasi tapos nag-brownout. Hindi na umandar lahat, e. Hindi pa nadating iyong technician na tinawagan ko. Kung okay lang sa’yo, hand wash na lang tapos ako ang maglalaba.”
“Ganoon ba? Okay lang ba sa’yo na ganoon? Maglalaba ka kahit nakasuot ka ng dress na bagay na bagay sa’yo?” Kinuha ni Ruperto ang kamay niya at hinimas-himas iyon. “Ang lambot-lambot kasi ng kamay mo parang hindi ka sanay maglaba…”
Halos maduling na si Adelentada sa sobrang kilig dahil sa paghawak ni Ruperto sa kamay niya. Malambot din kasi ang kamay nito at ang init. Feeling niya ay may maliliit na boltahe ng kuryente na tumutusok-tusok sa kanyang kamay sa ginagawa nitong paghimas doon. Kaya naman bago pa siya maihi sa sobrnag kilig ay binawi na niya ang kanyang kamay.
“Ah, eh… O-okay lang. Hindi man halata ay naglalaba din naman ako ng hand wash.”
“Ganoon ba? Sige, mamaya na lang ang bayad pagbalik ko, ha?”
“S-sige…”
“Bye, Adelentada!” At tuluyan na siyang tumumba nang kindatan siya nito bago umalis.
Mabuti na lang ay nasalo siya ni Maxima at Odessa. Pinaamoy siya ng dalawa ng hindi pa nalalabhang medyas kaya naman nagising siya.
“Ate, anong drama ginawa mo kanina? Hindi naman sira mga washing machine natin! Napaka sinungaling mo naman!” ani Odessa.
“Ano ba kayo? Sinabi ko lang naman iyon para ako ang maglaba personally nito!” At kinikilig na hinugot ni Adelentada ang limang piraso ng brief sa palstic bag na dala ni Ruperto. “Ako ang maglalaba nito. Ako lang!”
“Edi, ikaw lang, ate! Manyak!” bulalas ni Odessa.
TO BE CONTINUED…
BINABASA MO ANG
Love Me, Kill Me
HumorPatay na patay si Adelentada Del Mundo sa young and fresh at bagong lipat na boy next door na si Ruperto. Feeling nga niya ay kaya niyang gawin lahat para dito. Kasabay ng paglipat ni Ruperto sa katabing bahay nila ay nag-umpisa na rin ang ilang pag...
