CHAPTER ONE
TAONG 2017…
Dire-diretsong pumasok si Natasha sa silid ng kanyang Lolo Vicente dala ang lunch nito na sopas na nakalagay sa tray. Soft foods na lang kasi ang pwede dito dahil sa matanda na ito. Naabutan niya ang matanda na nakahiga sa kama nito at nakasandal ang likod sa headboard. Sabagay, palagi naman itong nakahiga dahil sa hindi na ito nakakalakad. Na-stroke ito last year at ang ibabang bahagi ng katawan nito ang naapektuhan.
Inilapag ni Natasha ang tray sa lamesita sa tabi ng kama at humila ng upuan para makaupo.
“It’s time for you lunch, lolo!” aniya sabay irap dito. Pina-plastic niya lang kasi ang matanda.
Kinuha niya ang bowl ng sopas at kutsara.
“Ayoko! Si Adelentada ang gusto ko! Siya lang ang magpapakain sa akin!” Parang bata na sabi nito. Matanda na ito kaya naman minsan ay nag-iisip bata na rin.
Mataray na itinirik ni Natasha ang kanyang mga mata. “My God, 'lo! Fourteen years nang wala dito si Adelentada, siya pa rin ang hinahanap niyo? Sumama na siya doon kay Amando! Mas pinili niya si Amando kesa sa inyo!” Umuusok sa galit na turan niya.
Bata pa lang sila noon ng kapatid niyang si Adelentada ay lihim na siyang galit at inggit dito. Sa hindi malamang dahilan ay mas mahal kasi ito ng Mama at Papa niya. Maagang iminulat ng parents niya si Adelentada sa pagnenegosyo habang siya ay pinag-tricycle driver. Para daw malaman niya ang hirap ng pagkita ng pera. Ang unfair, 'di ba? Kaya naman simula noon ay lihim na siyang gumawa ng paraan para masiraan ang kanyang kapatid. Pero kahit anong gawin niya ay ito pa rin ang paborito ng lahat. Kahit ng lolo niya.
Napaalis nga niya si Adelentada sa mansion ng mga Del Mundo pero ito pa rin ang hinahanap ng lolo niya. Ang buong akala niya, kapag nalaman ng lolo niya na sumama ito sa hardinero nila ay magagalit ito ngunit nagkamali na naman siya. Ipinahanap pa ito ng lolo niya sa mga imbestigador at detectives! Pero buti nga dito dahil hindi na nito nakita si Adelentada magpahanggang ngayon.
Well, wala naman siyang pakialam sa pagmamahal ng lolo niya. Tinatiyaga lang niya ito hanggang sa mamatay na ito. Wala naman itong pag-iiwanan ng kayamanan nito kundi siya lang dahil wala na naman si Adelentada. Gusto niyang siya lang ang maging sole tagapag-mana ng Del Mundo. Para na rin sa future ng kanyang oh-so-yummy and hot na boyfriend na si Ruperto Macaspac.
Si Ruperto na pinakamamahal niya. Limang taon na ang kanilang relasyon. Nagkakilala sila nang minsan nitong i-snatch ang kanyang cellphone. Hinabol niya ito at nang mahuli niya, imbes na ipakulong sa presinto ay ikinulong niya ito sa puso niya. Sino ba naman ang hindi mahuhulog ang bahay-bata kay Ruperto? Matangkad ito, moreno, chinito, rugged-looking, may abs at yummy. Hindi na niya ito pinakawalan pa. Siya na ang nanligaw at sinagot naman siya nito. Monthly niyang binabayaran ang condo unit nito plus allowance na rin para may pang-gastos ito.
Kinikilig na napangiti sa kawalan si Natasha nang maalala niya bigla si Ruperto. Wet na naman tuloy siya.
Ibinalik niya ang atensiyon sa lolo niya. Sinubukan niya itong pakainin ulit pero ayaw talaga nito. “Bahala ka na nga diyan! Nanggigigil na ako sa’yo, ha!” Hinayaan niya ng suntok ang matanda sabay walk out.
-----***-----
MALAKAS na nagpalakpakan ang mga tao sa paligid ni Adelentada nang i-cut na niya ang ribbon para sa kakabukas na negosyo niya na laundry shop na may pangalang “Summa Cum Laundry Shop”. Halos yakapin na niya ang ribbon dahil simbolo iyon na simula na ng negosyong matagal na niyang pinapangarap! Katabi niya ang dalawang bakla na kasama niya sa bahay at itinuturing na pamilya. Si Maxima na sobrang payat at si Odessa na sobrang taba naman.
Dahil espesyal ang araw na iyon para sa kanya ay bongga ang outfit niya. Naka-silver gown siya na sobrang haba. Mapagkakamalan mo nga na ikakasal siya kung kulay white lang ang gown niya. Ginaya niya ang buhok ni Imelda Marcos para magmukha siyang kagalang-galang.
“Ate, hindi ka ba nabibigatan sa buhok mo? Baka naman bahayan na iyan ng bubuyog, ha. Parang bee hive, e!” bulong ni Maxima sa kanya.
Nagsalita siya habang pilit na nakangiti. Pini-picturan kasi sila. “Ang bigat na nga, e. Feeling ko nga matutumba na ako pero ginagalingan ko na lang!” Todo-smile pa rin siya.
After matapos ng picture taking ay naisip ni Adelentada na simulan na ang pakain. Nagpa-catering talaga siya para sa event na ito dahil milestone ito sa kanyang buhay. Halos limang taon kasi siyang nagtrabaho bilang office girl sa isang maliit na kumpanya at talagang todo-ipon siya ng pera para sa negosyong ito. Ayaw niya kasing matengga lang bilang employee. Gusto niya ay siya ang boss at hawak niya ang kanyang oras. Na-train naman siya ng parents niya sa mga negosyo nila noong dalagita pa lamang siya kaya may alam talaga siya sa ganito. Isa pa, thirty-two years old na siya, iniisip na dapat niya ang kanyang future.
“'Te, mukhang magiging succesful itong business mo. Aba, ikaw pa lang ang may laundry shop dito sa Brgy. Masinag! Dudumugin ka talaga dito, 'te!” bulong sa kanya ni Odessa. Pawis na pawis ito. Ganoon nga yata talaga kapag mataba.
“Oo naman, 'no. Kaya nga ito ang napili ko, e…” bulong din niya.
“Love life na lang ang kulang sa iyo, 'te!”
Pa-demure siyang tumawa. “Love life? Ano 'yon? Nakakain ba 'yon?”
“Ay?! Naku, 'te! Hanggang ngayon ba naman ay hindi ka pa rin naka-move on kay Amando?”
“Amando? Of course, naka-move on na ako sa kanya. After naming magtanan ay iiwan din pala niya ako dahil nalaman niyang hindi ako papamanahan ng lolo ko. Pera lang ang habol niya sa akin kaya he don’t deserve me! And besides, ayoko muna ng love. Negosyo muna ang focus ko.” Alam niya sa sarili na hindi totoo ang huling sinabi niya. Actually, kating-kati na siyang magkaroon ng bagong pag-ibig. After Amando ay hindi pa muling tumitibok ang puso niya.
“Okay. Sabi mo, e. Ayoko nang makipagtalo sa iyo at baka magsapakan ba tayo dito.”
“Hindi naman ako lalaban ng sapakan sa’yo, Odessa. Sa laki ba naman ng braso at kamay mo, e. Ang mabuti pa siguro ay pakainin niyo na ang--” Natigilan si Adelentada nang pagtingin niya sa katabi niyang si Odessa ay wala na ito. Tanging si Maxima na lang ang naroon. “O, nasaan na si Odessa?” tanong niya kay Maxima.
“Naku, 'te, nandoon na sa loob para kumain. Pagkarinig pa lang ng salitang ‘pakainin’ ay tumakbo na agad!”
“Ang siba naman talaga ng Odessa na iyon! E, ikaw? Kung ako sa’yo, ikaw dapat ang kumakain ng marami. Isang ihip na lang sa iyo ng hangin, tumba ka na!”
Medyo naiinis na pumadyak si Maxima. “Ate naman! Alam niyo namang diet ako!”
“Talaga ba? At talagang ang lakas ng loob mo na mag-diet? Bakit? May ipapayat ka pa ba?”
“Natatakot lang naman ako na maging kasing-lapad ng mukha mo ang face ko, 'te!”
“Anong sabi mo?!” Pinanlakihan niya ng mata ito.
“Ah, w-wala. Ang sabi ko, sasabihan ko na ang mga bisita para kumain.”
“Mabuti pa nga! Kung anu-ano pang sinasabi mo diyan. Kilos na!”
Mabilis naman na sumunod si Maxima sa kanya.
Para kay Adelentada ay maswerte siya na nakilala niya sina Maxima at Odessa. Noong iwanan kasi siya ni Amando ay hindi na siya bumalik pa ng mansion. Ayon na rin kasi sa Ate Natasha niya ay galit na galit ang Lolo Vicente niya sa kanya. Halos isumpa na raw siya nito at sinabi pa daw na wala talaga siyang mana na makukuha. Kaya naman sinabi niya sa kanyang sarili na papanindigan niya ang ginawang paglayas. Nagtrabaho siya, nag-aral at isinantabi ang pakikipagrelasyon. At 'eto na nga, naitayo na niya ang Summa Cum Laundry Shop.
Teary-eyed na pinagmasdan ni Adelentada ang labas ng kanyang laundry shop.
“This is it! Promise ko sa sarili ko na aalagaan ko ang egosyong ito. At kung may darating man na lalaki na muling magpapatibok ng aking puso, tatanggapin ko siya ng buo. After all ng lahat ng pinagdaan ko, I deserved to love and to be love…” bulong niya sa kanyang sarili.
TO BE CONTINUED…
BINABASA MO ANG
Love Me, Kill Me
HumorPatay na patay si Adelentada Del Mundo sa young and fresh at bagong lipat na boy next door na si Ruperto. Feeling nga niya ay kaya niyang gawin lahat para dito. Kasabay ng paglipat ni Ruperto sa katabing bahay nila ay nag-umpisa na rin ang ilang pag...