CHAPTER THREE

3.3K 109 3
                                        

CHAPTER THREE

“NAWALAN na ako ng trabaho dahil sa pagtatayo mo ng laundry shop, Adelentada! Isara mo na ang negosyo mong ginagawang tamad ang mga kababaihan dito sa Brgy. Masinag!!!” Dinig na dinig ni Adelentada ang pagwewelga ni Gloria sa labas ng Summa Cum Laundry Shop.

Nag-iisa lang ito doon na nagwawala at sumisigaw. May hawak pa itong cartolina na may nakasulat na: ISARA! SUMMA CUM LAUNDRY SHOP!

Nakaupo siya sa may receiving area ng laundry shop niya habang sina Maxima at Odessa at nasa tabi niya at nanonood ng It’s Showtime! ng tanghali na iyon. Siya naman ay abala sa pagkukwenta ng expenses nila. One week na rin kasing tumatakbo ang kanyang negosyo at maganda naman ang takbo nito. Halos lahat ng taga-Masinag ay sa kanya na nagpapalaba. Sa thirty pesos per kilo kasi ay nababawasan na ang hirap ng mga tao sa paglalaba.

Kaya naman naiintindihan niya ang pinagmumulan ng number one na labandera ng Brgy. Masinag na si Gloria. Pero hindi naman siya dapat tumigil dahil lang dito. Matagal na niya itong pangarap and no one can stop her. Lalo na at naitayo na niya ito. Never!

Maya maya ay naiirita na tumayo si Maxima. “Ate naman! Wala ba tayong gagawin kay Gloria?! Ang ingay-ingay! Hindi ko na namintindihan pinapanood ko, e. Lumabas na kaya ako at bugbugin ang babaeng iyon!” Pinatunog pa nito ang mga daliri sa kamay pero napa-aray ito. Mukhang nag-crack ang mga buto nito doon.

“At talagang ikaw pa ang may lakas ng loob na manbugbog, Maxima? Sure ka ba? Sa payat mong iyan ay lalaban ka sa babaeng hinubog ang muscles sa pagkukusot ng damit? Baka isang upper cut lang sa iyo ni Gloria ay humiwalay ang ulo mo sa leeg mo!”

Natahimik si Maxima. Namutla ang bakla. Mukhang natakot.

“Pero, ate, tama naman si Maxima. Wala ba tayong gagawin kay Gloria? Aba, sinisiraan na niya tayo kanina pa sa labas. Sabihin ba naman na madumi ang laba natin?!” Naiimbyernang sabat ni Odessa.

Nag-isip siya. “Alam niyo mga bakla, naniniwala kasi ako na kapag binato ka ng bato, batuhin mo ng tinapay. Kaya kahit anong paninira ang gawin ni Gloria sa atin, dapat kabutihan pa rin ang isukli natin sa kanya.” Kinuha ni Adelentada ang isang plastic bag na may lamang burger na meryenda sana niya mamaya. Inabot niya iyon kay Odessa.

“Akin na lang burger mo, ate?” Nangningning ang mga mata ni Odessa nang makita nitong pagkain ang laman niyon.

“Gaga! Hindi! Ibigay mo iyan kay Gloria. Kanina pa siyang umaga nagwewelga. Gutom na iyon kaya ibigay mo na lang sa kanya.”

“Okay,” ani Odessa at lumabas na ito para ibigay kay Gloria ang burger.

Pagbalik ni Odessa ay hindi na nito dala ang plastic bag. Ngingiti-ngiti pa ang matabang bakla sa kanya.

“O, tinanggap ba ni Gloria?” tanong niya.

“Hindi, ate!”

“E, nasaan ang burger?”

“Ayaw niya kasi. Hindi daw siya tatanggap ng kahit na ano sa iyo, 'te! Sayang naman ang burger kaya ako na lang kumain.”

“Gaga ka! Akin iyon, e! Kung hindi sana kinuha ni Gloria, ibinalik mo na lang sana--” Agad na itinigil ni Adelentada ang muntik nang paghihisterikal niya. Kinalma niya ang kanyang sarili sabay smile na kita ang gilagid. “Okay, Odessa… Okay lang na kinain mo ang burger. Positive vibes lang dapat! Kalma lang ako dapat para mas swertihin ang laundry shop natin…”

“Naku, oo nga, ate! Iyan ang sabi sa iyon no’ng nag-feng shui nitong Summa Cum Laundry. Dapat daw ay kalma ka lang!” ani Maxima.

“Tama… Kalma lang ako dapat. Hindi dapat ako magalit dahil negative energy iyon…” Pangungumbinse niya sa kanyang sarili.

Sabay-sabay silang napasigaw sa labis na gulat nang biglang nabasag ang glass door ng laundry shop nila. Sa kalapit ng mga basag na salamin ay isang bato na kasinglaki ng kamao ang nakita niya.

Ang pagkakalma ni Adelentada ay parang bula na naglaho. Napalitan iyon ng beastmode na mukha na isang ubo na lang ay pa-King Kong na. “Puchaaa!!!” Galit na sigaw niya nang malaman na binato ni Gloria ang glass door niya kaya nabasag.

Akmang lalabas siya nang pigilan siya nina Maxima at Odessa.

“Ate, kalma ka lang dapat! Kalma lang!”

“Pucha! Paano ako kakalma?! Binasag ni Gloria ang glass door?! Sabihin niyo, paanooo?!” Nagtalsikan ang laway niya sa mukha ng dalawang bakla.

“Oo na, sige na! Sugurin mo na si Gloria, ate! Kesa paliguan mo kami ng laway mo!” reklamo ni Maxima at pinagtulakan pa siya ng dalawa palabas.

Minsan talaga hindi niya malaman kung supportive ba o hindi ang dalawang iyon.

Pagkakita sa kanya ni Gloria ay agad siya nitong tinalakan.

“Ano?! Lumabas ka rin sa lungga mo?! Kung hindi ko pa binasag 'yang pinto mo, hindi ka pa lalabas!!!” Kulang na lang ay mamuti ang mga mata nito sa sobrang pagsigaw.

“Gusto kong basagin mukha mo!!! Hindi mo ba alam na mahal ang glass door na binasag mo?!” galit na sagot niya.

“Wala akong pake! Bayad mo na iyon sa akin dahil tinanggalan mo ako ng trabaho!”

“FYI lang, Gloria, hindi kita tinanggalan ng trabaho. Gusto ko lang guminhawa ang buhay ng mga taga-Masinag! Kaya kahit maghapon at hanggang sa end of the world ka pa mag-welgang mag-isa diyan, hindi ko isasara ang laundry shop ko!”

“Ah gano’n, ha?! Pwes! Humanda ka! Ikaw na ang babatuhin ko!”

Naghanap ng bato si Gloria at nang makakita ito ay inasinta siya.

“Ate! Pumasok ka na dito! Babasagin niya lalo mukha mo!” histerikal na hiyaw ni Odessa.

“Humanda ka, Adelentada! Tarantada kaaa!!!” sigaw ni Gloria sabay bato nito ng bato sa kanya.

Parang natuklaw naman ng ahas na hindi na nakagalaw pa si Adelentada. Na-shock yata siya sa bilis ng pangyayari o baka na-shock siya nang pagbato ni Gloria sa kanya ay na-expose ang maitim nitong kili-kili. Mabuti pa ang mga damit, napapaputi nito pero ang kili-kili nito ay hindi.

Nag-slow motion ang lahat sa paningin ni Adelentada. Kitang-kita niya ang bato na papalapit na sa mukha niya at sa lapad ng mukha niya imposibleng hindi iyon matamaan. Ngunit imbes na ang mukha niya ang matamaan ay ang likod ng lalaking yumakap sa kanya ang tinamaan ng bato. Napapikit na lang siya sa bilis ng mga pangyayari.

“Bakit ka humarang?! Pakialamero!!!” sigaw ni Gloria.

Hinarap ng hindi niya kilalang lalaki si Gloria. “Mali po ang ginagawa mo. Kung gusto mong ipasara ang laundry shop na ito, magpapirma ka ng petisyon. Mag-ipon ka ng pirma ng mga taga-Masinag na gustong ipasara ito. Isa pa, alam mo bang pwede kang makulong sa ginagawa mo?” buong-buo ang boses ng lalaki. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi niya makita ang mukha nito.

Pero likod pa lang nito ay ulam na! Siksik sa muscles ang braso nito na litaw dahil sando lang ang suot nito. Sino kaya itong nagligtas sa akin? Bulong niya sa sarili.

“A-ako? M-makukulong? Hindi naman yata--”

“Oo, makukulong ka. Pwedeng habangbuhay o bitay!”

Natakot yata si Gloria sa sinabi ng lalaki kaya nagmamadali itong umalis.

Hindi malaman ni Adelentada kung papaano magpapasalamat sa lalaki.

Nang lumingon ito ay doon na tuluyang nalaglag ang panty niya. Literal na napanganga siya sa kagwapuhan nito. Mukha itong Koreano na moreno tapos ang laki pa ng muscles. Parang ang sarap maglambitin sa braso nito! Pinagpawisan tuloy siya ng malapot. Nakalimutan niya na muntik na siyang matamaan ng bato sa mukha kanina.

“Okay ka lang ba?” Kitang-kita niya ang pag-aalala sa gwapo nitong mukha.

“Ah, eh…” Hindi niya malaman ang kanyang isasagot. Dahil doon ay mas pinili na lang niyang magkunwaring manghihimatay. Pabagsak na ang katawan niya nang saluhin siya ng naturang lalaki!

TO BE CONTINUED…

Love Me, Kill MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon