CHAPTER FOUR
“NAKU! Si ate nanghimataaay!!!” Dahil sa peke lang naman ang pagkahimatay ni Adelentada ay dinig na dinig niya ang paghihiterikal nina Maxima at Odessa.
Naramdaman niya na nakaunan siya sa isang ma-muscles na mga hita habang may kamay na tumatapik sa kanyang mukha. Sigurado siya na ang lalaking nagligtas sa kanya iyon. Ang bango-bango nito. Lalaking-lalaki ang amoy.
“Mukhang kailangan ni ate na i-mouth-to-mouth!” Nag-aalalang suggest ni Odessa.
Aba, aba… Mukhang bumabawi sa kanya si Odessa, ha.
Good girl! Okay 'yang suggestion mo! Tili ng utak niya.
E, sino pa ba ang pwedeng gumawa sa kanya niyon kundi ang oh-so-yummy na lalaking nagligtas sa kanya, 'di ba?
“Pero sino namang gagawa no’n kay ate?” tanong ni Maxima.
“Hindi naman tayo pwede dahil babae din tayo. Malalason tayo!”
“Tama ka diyan, Odessa! Kailangan na nating magmadali baka mamatay na siya!”
“Ako! Ako na lang ang gagawa!” Sa wakas ay sabi ng lalaki.
Yes! Yes! Yes! Nagdiriwang na sigaw ni Adelentada sa kanyang sarili.
Hanggang sa may maramdaman siyang mainit na hininga na papalapit sa kanyang bibig. At nang dumampi na ang labi ng lalaki sa labi niya ay namilipit na siya. Nagkiskisan ang dalawa niyang paa sa sobrang kilig na nararamdaman. Lalo na nang bugahan siya ng lalaki ng hangin sa loob ng kanyang bibig! Feeling niya ay magkakatotoo na ang pagkahimatay niya ng sandaling iyon.
Iminulat na niya ang kanyang mga mata.
“Buhay na ulit si ate!” sabay na sigaw nina Maxima at Odessa.
“A-anong nangyari?” tanong niya habang tinutulungan siyang tumayo ng lalaki.
“Diyos ko! Nagka-amnesia si ate! Ganiyan na ganiyan 'yong napapanood ko sa TV!” Nagpapadyak pa si Maxima.
Sinapak niya ang nagwawalang bakla. “Anong amnesia sinasabi mo? Nagtatanong lang kung anong nangyari, amnesia agad? Gaga!” Bigla siyang bumait nang tumingin siya sa lalaki. “Thank you dahil iniligtas mo ang aking buhay ng two times in a row. Una, iyong batong muntik na akong tamaan tapos mi-nouth-to-mouth mo pa ako…”
“Sa susunod mag-iingat ka na lang,” tipid na sabi nito.
“Oo. Tatandaan ko iyan. Teka, masakit ba ang likod mo? Tinamaan ka ng bato, 'di ba?”
Pumunta siya sa likod ng lalaki at hinimas-himas ito doon. “May masakit ba? Dito ba? Dito?” Ginagawa lang naman niya iyon para maka-tsansing.
“Okay lang ako. Hindi naman masakit.”
“Hindi, e. Ang lakas ng tama ng bato sa iyo. Narinig ko!” Patuloy pa rin siya sa paghimas. Hindi pa siya nakuntento at ipinasok na niya ang kanyang kamay sa loob ng sando nito. Damang-dama niya ang mainit at pawisan nitong balat.
Agad naman siyang hinila nina Maxima at Odessa palayo sa lalaki. Nagtig-isang braso ang dalawang bakla sa paghawak sa kanya.
“Ate, okay daw siya! Tama na. OA na kayo!”
“Nag-aalala lang naman ako--” Pumiksi siya para makawala sa dalawa. ‘Kung makahawak naman kayo sa akin, para akong baliw! Hindi ako baliw! Hindi ako baliw!” at umangil pa si Adelentada sa dalawa na parang asong ulol.
“Sige, aalis na ako.” Pagpapaalam ng lalaki.
“Huwag! I mean… anong pangalan mo? Bago ka pa lang dito, 'di ba? Ngayon lang kita nakita, e.”
![](https://img.wattpad.com/cover/101466904-288-k472740.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Me, Kill Me
HumorPatay na patay si Adelentada Del Mundo sa young and fresh at bagong lipat na boy next door na si Ruperto. Feeling nga niya ay kaya niyang gawin lahat para dito. Kasabay ng paglipat ni Ruperto sa katabing bahay nila ay nag-umpisa na rin ang ilang pag...