CHAPTER TWO

3.7K 111 12
                                        

CHAPTER TWO

“BEBEBOY, massage mo naman ako sa gilid ng dede ko…” Pakiusap ni Natasha sa boyfriend niya na si Ruperto. Nakahiga siya sa kama niya. Dinalaw siya nito or mas tamang sabihin na pinadalaw niya ito sa mansion ng Del Mundo dahil stress na stress na siya.

Stressed siya sa taong matagal nang wala sa buhay niya-- kay Adelentada.

Hanggang ngayon, kahit wala na ito ay problema pa rin ang dulot nito para sa kanya. Hindi pa rin kasi ito makalimutan ng lolo niya at natatakot siya na baka kapag gumawa ng last will and testament ay ibigay nito lahat kay Adelentada ang kayamanan ng Del Mundo. At hindi naman siya papayag na mamngyari iyon. Siya ang nagpakahirap at nagtiis na mag-alaga sa Lolo Vicente nila at sisiguruhin niya na hindi mauuwi sa wala ang lahat.

Tumigil sa pagpu-push up si Ruperto at nilapitan niya.

“Your wish is my command, bebegirl…”

Tumirik ang mata ni Natasha nang simulan ni Ruperto ang massage sa gilid ng dede niya. Ito na lang talaga ang stress-reliever niya. Makita lang niya ang lalaki ay sumasaya na siya. Mahal na mahal niya talaga ito at wala siyang pakialam kahit na twenty-five pa lang ito habang siya ay thirty-five. Age doesn’t matter basta may pera ka.

“Stressed ka na naman ba, bebegirl?”

“Yes, bebeboy. Si Adelentada kasi!”

“Ang kapatid mong matagal nang wala? Bakit? Bumalik na ba siya?”

“No. At hindi ako makakapayag na bumalik pa siya dito.”

“Hindi ba’t hanggang ngayon ay ipinahahanap pa rin siya ng lolo mo?”

“Iyon na nga ang problema ko, bebeboy! Katapusan ko na oras na mahanap ni lolo si Adelentada. Mabubuking ako ni Lolo Vicente na ako ang nag-suggest sa favorite granddaughter niya na magtanan. Taliwas sa sinabi ko sa kanya na naglayas ito nang kusang-loob! Isa pa, kapag nag-reunion ang dalawang iyon, baka ipamana na ng lolo sa kapatid ko ang lahat ng pagmamay-ari ng Del Mundo! Mabuti na lamang at nababayaran ko ang mga naghahanap kay Adelentada para huwag gawin ang trabaho nila, kundi baka matagal nang nandito ang kapatid kong 'yon!” Kulang na lang ay umusok ang ilong na kwento niya.

Tumango-tango si Ruperto. “Kung may magagawa nga lang ako para matulungan ka, bebegirl… gagawin ko.”

Natigilan si Natasha sa sinabi ng nobyo. Pinatigil niya ito sa pagmamasahe sa kanya at tiningnan ito habang malalim na nag-iisip. “Actually, may magagawa ka naman, bebeboy…” aniya pagkatapos.

“Ano naman iyon?”

“Uunahan mong hanapin si Adelentada at pagkatapos…” sandali siyang tumigil sa pagsasalita. “You will kill her!”

“Papatayin ko ang kapatid mo?!” gulat na sigaw nito.

Mabilis na isinubsob ni Natasha ang mukha ni Ruperto sa dede niya para hindi ito makapagsalita. “Ano ba, bebeboy? You’re so loud naman, e. Be quiet!” Inalis na niya ito sa pagkakasubsob dahil baka hindi na ito makahinga.

“Pero, seryoso ka ba? Papatayin ko ang kapatid mo?”

Tumango siya. “Yes. Kapag namatay na kasi si Adelentada at nalaman iyon ni lolo, wala na siyang magagawa kundi ipamana sa akin lahat ng kayamanan niya dahil ako na lang ang nag-iisang apo niya. And when that happens, mamumuhay na tayong dalawa ng happily ever after!” At masayang niyang niyakap si Ruperto. “You will do it for me naman, 'di ba, bebeboy?” Malambing na parang pusa na tanong niya.

“Hmm… S-sige. Para sa atin, para sa future natin! Hahanapin ko ang kapatid mo at papatayin.”

Kumalas muna si Natasha sa pagkakayapak sa nobyo para pisilin ang pagkalalaki nito. “Uhh… Hindi mo talaga ako binibigo, bebeboy! Massage mo na ulit ako… using this!” at pinisil niya ulit ang pagkalalaki ni Ruperto.

“Talaga, bebegirl? Ito ang ipang-ma-massage ko sa’yo?” pilyong tanong ni Ruperto.

“Ehh… Peg-eesepen ke mene… Hmm… Sege ne nge!” Pabebeng sagot ni Natasha habang humahagikhik ito.

-----***-----

“'WAG, ate! Huwaaag!!!”

Napabalikwas ng bangon si Adelentada mula sa pagkakatulog dahil sa masamang panaginip. Sa panaginip niya ay nasa gilid daw siya ng isang matarik na bangin at biglang lumitaw sa tabi niya ang kapatid niyang si Natasha. Sinabi daw nito na itutulak siya nito sa bangin para mamatay na siya.

Simula ng umalis siya sa mansion ay ngayon lang niya napanaginipan ang kanyang ate. At talagang ganoon pa ang eksena, ha. Medyo morbid.

Lumabas saglit si Adelentada sa kanyang kwarto upag uminom ng tubig sa kusina.

Pagdating sa kusina ay diretso agad siya sa ref at binuksan iyon. Kinuha niya ang isang pitsel ng tubig. Pagharap niya sa likuran ay napasigaw siya nang makita niya si Odessa na may dalang pinggan.

“Ano ka ba naman, Odessa?! Bakit bigla ka na lang sumusulpot diyan?! Aatakihin ako sa iyo sa puso, e!” Nakahawak sa dibdib na sita niya dito.

“Nagugutom lang naman ako, ate. Midnight snack lang ba. Saka alam ko, marami pang natirang food kanina doon sa opening ng laundry shop, 'di ba?” Mukhang gutom na nga ito. Parang nanghihina na, e.

“Midnight snack? Alas onse pa lang ng gabi. Midnight snack?”

“In-advance ko na lang, ate. Tabi ka na nga diyan at maghahalungkat ako ng food sa ref.”

Tumabi naman agad si Adelentada dahil baka nakakahiya naman sa nagugutom na si Odessa ang pagharang niya sa ref. Kumuha na siya ng baso para uminom.

Hanggang sa pagkabalik niya sa kanyang higaan ay nasa isipan pa rin niya ang kanyang Ate Natasha at kung bakit siya nanaginip ng ganoon. Isa kaya iyong pangitain?

-----***-----

KAY Amando nag-umpisang maghanap si Ruperto kay Adelentada. Madali naman niya itong natagpuan dahil sa alam ni Natasha ang bahay nito. May asawa na si Amando at mukhang naghihirap na ng husto. Ayon kay Amando ay sa isang bayan na kung tawagin ay Brgy. Masinag sila nagtungo noon ni Adelentada nang magtanan ang dalawa. Hindi nga lang daw nito sigurado kung umalis na doon ang babae o hindi dahil labing-apat na taon na rin ang nakakalipas. Sinabi sa kanya ni Amando kung saan matatagpuan ang naturang lugar. Hindi na siya nag-aksaya pa ng oras at tumungo na rin siya doon ng araw na iyon.

Ginagawa niya lang naman ito bilang pagtanaw ng utang na loob kay Natasha. Aminado naman siya sa sarili niy na hindi niya ito mahal. Nakikisama lang siya dito dahil ito ang naging daan niya para makaalis sa malupit na buhay sa lansangan. Ulila na siya at walang malalapitan kaya naman napilitan siyang gumawa ng masama katulad ng pagnanakaw. Binigyan siya nito ng bahay at pera. Nakapagbagong buhay siya na akala niya ay imposibleng mangyari. Guminhawa ang buhay niya dahil dito.

Alam din ni Ruperto na masama ang pumatay ng tao ngunit kailangan niya iyong gawin para kay Natasha. Hindi niya ito dapat biguin kahit wala pa siyang plano kung paano papatayin si Adelentada oras na makita na niya ito.

Siguro, mas maganda kung unti-unti. Iyong tipong hindi mapagkakamalang may pumatay dito. Pwede niyang palabasin na nagpakamatay ito o namatay sa natural na paraan.

Bahala na nga! Aniya sa kanyang sarili.

Sumakay na si Ruperto ng jeepney. Halos tatlong oras din siyang sakay ng bus bago niya narating ang probinsiya kung saan naroon ang Brgy. Masinag. Medyo palubog na nag araw kaya alam niyang gagabihin siya. May mga hotel naman siguro doon na pwede niyang matulugan mamayang gabi tapos bukas ng umaga na niya sisimulan ang paghahanap sa kapatid ni Natasha.

Lord, patawarin Niyo na lang ako sa gagawin ko. Kailangan lang talaga, e! muli niyang bulong sa kanyang sarili habang umaandar ang jeepney.

TO BE CONTINUED…

Love Me, Kill MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon