Malaya

103 6 7
                                    

Pansin mo ba ang pagbabago?
Ang kapaligiran nating malamig pa sa yelo.
Sa mga mata'y hindi na makatingin ng diretso.
Kapag magkasama'y wala ng kibo.

Kabaligtaran natin ang oras na tayo'y nagsimula,
Mga karanasang hindi mahintay ikwento sa isa't-isa,
Mga matang halos tumulo ang luha kakatawa.
Lahat ng iyon ay mukhang nawala na.
Ngayon ay sakit ang nadarama kapag kausap ka,
Dahil ang mukha mo'y hindi na maipinta.

Alam ko kahit hindi mo na sabihin pa,
Na may minamahal ka ng iba.
Kilala kasi kita, minahal higit pa sa iba.

Binigay ko sayo ang oras, araw at taon ko,
Kasama pati ang puso ko pero mukhang sa bandang huli hindi sapat ang mga ito.

Ikaw ba?
Kilala mo ba ako ng sapat?
Sapat para malaman na nakikita ko na ang lamat?

"Mahal mo sya diba?" Salitang sinabi ko sayo,
Hindi mo ito naintindihan kaya binanggit ko ang pangalan ng isang babaeng alam ko,
Ninais ko na sana na mali ako pero,
Napatahimik ka at yumuko,
"Sorry." Yan ang eksaktong sinabi mo.
Naramdaman kong kumirot ang aking puso.

Masakit pero hindi ko pinatak ang mga luha sa mata ko'y namumuo,
Sinabi ko rin sayo na naiintindihan ko,
Tao ka rin kasi at hindi maiiwasan ang pagbabago,
Nilakasan ko na rin ang loob ko na itanong sayo,
Ang tanong na matagal ng nasa isipan ko,

"Bakit ba kasi nagkaron ng sya?"

Hindi ako galit o nanunumbat,
Kung ano man, gusto ko lang malaman.
Kung paano siya pumasok sa buhay natin.
Hindi lang kasi ikaw ang nagbago, ako rin.

Mahal kita kaya mahirap magpalaya't tanggapin,
Ngunit yun rin ang dahilan kung ba't gusto ko itong gawin,
Di lang kasi ikaw ang dapat kong mahalin, sarili ko rin.

Hindi mo kailangan humingi ng tawad,
Pasasalamat lang sa lahat ay sapat,
Ano man ang mangyari, masakit man o hindi,
aking suporta ay iyong asahan.
Ikaw kasi ay naituring ko ring matalik na kaibigan.

Hindi ako susuko sayo,
Ipagpapahinga ko lang ang aking puso,
Ngunit hindi ko ipapangako,
Na kapag bumalik ka'y mahal pa kita.
Pagkatapos nito ay hindi mo na makikita ang larawan ko sa iyong pitaka,
Mararamdaman ang presensya ko sa tabi ng iyong kama,
Hindi na rin ako masasaktan sa tuwing nakikita kita.

Sa wakas ikaw at ako.... ay malaya na.

Mga maiikling tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon