Nga pala, ba't ka pumayag makipag-kita?
'Yan ang gusto kong itanong,
Pero hindi ko na itutuloy dahil alam ko na kung ano ang kadugtong.Kilala na kasi kita,
Alam kong itatanong mo pabalik sa'kin na,Eh ikaw? Bakit gusto mo makipag-kita?
Naalala mo ba yung gabing sinabi ko sayo ang mga salitang akala ko'y iyong ikabibigla?
Yung gabing sinabi ko sayo na "Wag na tayong mag-usap pa."Tinignan mo lang ako sa mga mata at sinabi na "Ganun ba?"
"Masaya lang ako na sinabi mo agad na ayaw mo na, para hindi na ko umasa."
Sinabi mo yun ng walang halong pangangamba.Bakit ganon?
Bakit hindi ako nakakita ng emosyon?
Wala na bang halaga sayo ang mga 'yon?Ang akala ko'y relasyon natin ay karapat-dapat ipaglaban,
ngunit bakit para yatang naka-impake ka na at handa ng lumisan.Bakit hindi mo man lang tinanong kung ano ang kadahilanan?
Bakit hindi mo naisip kung kaya pa ba natin itong maresolbahan?Gano'n ka ba talaga kahina na susuko nalang?
O talagang gusto mo ng wakasan lahat ng ating nasimulan?
Hindi ko lang maintindihan.Minahal mo ba ako kagaya mo ng sinabi mo noon?
O sadyang hindi mo sinasadyang sabihin ang mga katagang iyon?Nakipagkita ako sayo dahil gusto ko ng kasiguraduhan,
Sa puso kong minsan ng ikaw lang ang nilaman,
Sa nakita kong pangarap na ikaw ang nasa larawan,
Sa puso kong ngayon din ay naguguluhan,
Gusto ko lang ng katahimikan,
Sa pagwawakas natin buwan buwan ng nakakaraan,
Sa pag hihiwalay natin na hindi ko maintindihan,
Sa katotohanang posibleng hindi ko pa alam.Minahal mo ba ko kagaya ng sinabi mo noon?
Nakaupo ako sa harapan mo ngayon dahil sa mga kadahilanang iyon,
Mga sagot sa katanungan sa kung bakit nasa ganito tayong posisyon ngayon.Buwan-buwan na rin ang nakalipas at sa tingin ko'y handa na,
Handa ng harapin ang lahat at lumigaya."Nga pala, ba't ka pumayag makipag-kita?"
BINABASA MO ANG
Mga maiikling tula
PoetryKoleksyon ng tula gawa ng taong nabagot sa mga taong nababagot.