Pangako

65 5 5
                                    

Kasama kita simula nung pagkabata,
Nasaksihan natin kung pano lumaki ang isa't-isa,
Magkaibigan ang ating pamilya,
Ang bahay natin ay hindi kalayuan sa isa't-isa.

May pangako ang mga magulang natin sa isa't-isa,
Simula palang nung estudyante pa lamang sila,
Na gusto nilang malapit sa isa't-isa kahit tumanda sila.
Nakakahanga nung narinig ko yun nung una.
Yun rin kasi ang dahilan kung bakit kita nakilala.

Hindi tayo magkasundong dalawa,
Hindi rin tayo yung palaging magkasama,
Pero palagi tayong andyan para sa isa't-isa.

Naalala mo pa ba?
Nung elementary tayong dalawa,
Kahit may tampuhan tayo'y pinagtanggol mo ko sa mga mapanghusga.
Para saakin duon nag umpisa.

Nung middle school naman,
Akala ko magkakaron ka na ng kasintahan,
O ang pagkakaron ng nobya ng iba ay iyong kinaiingitan.
Natakot ako nun ng lubusan,
Hindi ko kasi alam kung anong kahahatnan,
Baka kasi ang pag-ibig ko sayo'y makahadlang lamang,
At pagkakaibigan natin ay ayaw ko ring wakasan.

Nung unang beses kitang binigyan ng tsokolate,
Normal lang yun sa mga mata ng marami,
Pero para saakin ay hindi.
Masaya akong makita ang iyong mga ngiti.

Nuong highschool naman ay tinanong kita kung bakit hindi ka pa nagkakanobya,
Tinanong mo naman ako kung bakit ako rin ay hindi pa,
Tumingin ka sa aking mga mata,
At sinabing "Mahal kita",
Natuwa ako dahil mahal rin kita simula pa nung pagkabata.
Ikaw ang aking una,
Ikaw na rin sana hanggang sa huling hininga.

Isang araw ako'y kinausap ng aking mga magulang,
Lilipat na kami ng tirahan.
Ayokong gumuho saaking harapan ang ating pinagsamahan,
Kaya naman ika'y agad kong tinawagan,
Para makipag kita at ito'y ating mapag-usapan,
Pero mukhang ang tadhana'y naglalaro ng taya-tayaan.
Sinabi mo rin sakin na lilipat ka na ng tirahan,
Kailangan mo na rin magbago ng pinapasukang paaralan.
Ayokong wakasan ang ating pagmamahalan,
Alam kong dapat kitang pagkatiwalaan,
Pero takot akong masaktan
At sarili ko'y hindi pinaniniwalaan.

Pagkatapos noon ay hindi na nagkaron pa ng usapan,
Hanggang sa damating ang araw ng lipatan.
Tumanaw ako sa bintana nyo at wala na kayo,
Mga namumuong luha sa mata ko'y tumulo.
May narinig akong tumatakbo,
Hindi ako makapaniwala kung sino ang nasa harap ko,
"Kahit san man tayo dalin ng tadhana, hindi magbabago ang nararamdaman ko sayo."
Ang sabi sakin ng pinakamamahal ko.
Nagkaron ako ng motibasyon at tiwala sa sarili ko.
Kailangan kong maging malakas para saating dalawa,
Kailangan kong maging masigla.

Tapos na rin sa wakas ang paghahanda,
Naayos na ang mga gamit namin sa bagong lugar kung san kami titira.
Inutusan ako ng aking ina,
Na batiin ang mga kapitbahay at magpakilala.
Pinadalan nya rin ako ng maruya para ibigay sakanila.

Ang ganda ng bahay nila.
Kinatok ko at nahulog ang bitbit kong maruya.
Napanganga ng makita ko ang taong gusto kong makita,
Nagduda na rin kung ito ay totoo ba.
Kinain na ng aso ang maruyang ngayon ay nasaaking paa.
Nakita ko ang mga magulang mo na tumawa,
Mga magulang ko rin ay biglang nagpakita.
"Ba't kayo nakanganga?" Tanong nila.
Sino ba naman ang hindi mabibigla?

May pangako ang mga magulang natin sa isa't-isa,
Simula palang nung estudyante pa lamang sila,
Na gusto nilang malapit sa isa't-isa kahit tumanda sila.

Pinagtagpo tayo ng isang pangako.
Sa harap ng pamilya at taong mga mahal ay nakatayo.
Ako naman ang mangangako,
Ikaw ay aking mamahalin hanggang sa dulo ng mundo.

Mga maiikling tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon