Ignorante

76 4 4
                                    

Mga kabataang sa bibig ay panay reklamo lamang,
Mga biyayang nasa harapan nila'y hindi man lang mapasalamatan,
Kinaiinggitan ang bawat taong sa daan nila'y may kayamanan,
Ninanais ang mga bagay na hindi naman nila kinakailangan,
Tyan ko'y sumasakit sa kanilang mga kamangmangan.

Mga kamay na lumalapag sa aking katawan,
Mga sakit at pighating nararamdaman,
Bawa't segundo at minutong walang katapusan,
Mga salitang daig pa ang talim at tulis sa espada.
Mga luhang sa pisngi ko'y natuyo na ng tuluyan.
Mga sugat at pasa sa aking katawan na natatakpan sa tuwing ako'y nasa lawaran.
Maswerte kayo hindi niyo magulang ang aking mga magulang.

Sa kakayahan kong magpanggap ay hindi mo mahahalata,
Na likod ng mga ngiti ko kapag kaharap kita,
ay nakaguhit lang sa sinusuot kong maskara.

Isa ka rin ba sa mga taong aking kinamumuhian?
Mga taong sa biyayang inilatag sa kanila'y wala silang pakialam.
Namumuhay bilang mga insensitibong nilalang,
Kahit anong gawing pagpapagising sakanila'y ito'y pilit na iniiwasan.
Ano ba ang silbi sa maliwanag na paningin kung nagbubulag-bulagan?

Ako nama'y kahit ganito ang aking buhay ay hindi ko kayo kinaiinggitan,
Ayoko kasi mabulag katulad niyo sa mga bagay na walang pakinabang,
Gusto ko mabuhay sa mundong ako lang ang nakakaalam,
Malungkot man ay ito ang buhay na dapat kong labanan,
Para sa balang araw kong puno ng kasiyahan kung meron man.

Sana'y buhay pa ko sa mga oras na dumating yon,
Pero bago iyon ay patuloy akong babangon.
Kaya naman ako'y may isa lang gustong itanong,

Ilan beses ka nagpasalamat ngayon?

Mga maiikling tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon