Mahal kita kahit...

69 0 3
                                    

Totoo nga ba ang gayuma?
May posibilidad ba talaga ipeke ang nadarama?
Kahit ano pa kasi sabihin ng tropa,
Ikaw pa rin ang mahal ko aking sinta.

Hindi naman masamang impluwensya mga kaibigan ko.
Matatag kami ng mga nyan parang sariling kapatid ko,
Kapag pinapayuhan naman nila ako'y hindi pabiro.

Pero bakit kaya gusto nilang ilayo ako sayo?
Gusto nilang ako na mismo sayo'y lumayo.
At yan naman ang hindi ko kakayanin mahal ko.

Kahit na mas matangkad ka saakin, ikaw pa rin ang langit ko.
Kahit na sinasabi nila na sobrang pangit mo, hindi ka gano'n sa paningin ko.
Minsan pa nga natatalo mo ko sa basketbol, hindi ako nagtatampo.
Kahit mas maskulado ka pa sakin, susubukan kong 'wag mainggit.

Mahal kita eh, minahal.
Ngayong nasa kamay ko na ang gamot na dapat matagal ko ng kinuha,
Alam ko na rin sa wakas kung sino ka talaga.

Bakit ka nagsinungaling na isa kang babae?

Hindi na kita mahal...
Kung ako'y tunay mong mahal, paano mo nagawang maglihim?

Hindi na kita mahal...
Ang gusto kong sabihin sayo ngunit, nahulog uli ang loob ko sayo.

Wala akong pake kung lalake ka man o ano, 'wag ka na magsinungaling.
Ang mahalaga'y sa isa't-isa ay gustong maka piling.

Tumingin ako sa asul na langit at napagtanto.
Mamahalin kita kahit sino ka man.

Mahal kita kahit na lalaki ka rin.❤️

Mga maiikling tulaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon