Epilogue

894 17 13
                                    

After 12 years....

Jake's POV

Hello po!!! Ako si Jake Clark. Kapatid ako ni Jacob Clark, pero hindi ko na siya naabutan kasi naaksidente siya sa parking lot ng hospital right after niyang ma-discharge kasama sina ate Rein at si ate Jermylaine

I'm here with my friends Sunshine Yu at Maylaine Williamson... Yes kapatid nila sina ate Rein at Jermylaine..... hindi ko nga alam pero parang napaka-coincidental na magkakaibigan din kami.

Naka-recieve ako ng isang phone call at napansin kong nag-iba ang ringtone ko. Baka napalitan ko ng di ko napapansin.

Nung sinagot ko, inimbitahan ako na mag-stay sa isa sa kanilang mga mansion for two weeks. Kung under aged daw ako with parent's permission..

Pumayag naman sila mama at nag-impake na ako....

Nakita ko na kasama din dun si Shine at Lanie......

Dumating kaming tatlo dun sa harap nung mansion

Mukha siyang old at weak na parang gigiba na any time....

Naghihintay kami kasama si manong Mcbo (yung driver nung bus namin)

Nagbukas ang door ng mansion at nagpakilala ang Caretaker na si Shantal Fuega siya din pala ung tumawag sakin....

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Author's POV

Makalipas ang ilang araw ng pamamalagi doon eh iba't ibang kababalaghan na ang naramdaman nilang tatlo...

Sa pang-apat na araw nila eh napagdesisyunan na nilang umalis

'Aalis na po kami dito!' --Shine habang nagbubuhat ng mga gamit.

'HINDI PWEDE' mala-demonyong boses ni Shantal at dali-dali ring sumara ang mga pinto at nagsiliparan ang tatlong bata papunta sa upuan.

'A-anong nangyayare?' --Jake.

'Pagbabayaran niyo ang kasalanan ng mga magulan niyooo!' sigaw ni Shantal at agad-agad ring umuga ang buong bahay at nagbagsakan ang mga debris sa kanilang lahat.

Makalipas ang ilang minuto ay gibang-giba na talaga ang bahay. Mula sa isang parte ng mga patong-patong na debris eh may lumabas na kamay at tsaka tuluyang tumayo...

Si Shantal...

Nakangisi ito na para bang nanalo ito ng ilang milyon. Tinignan niya muli ang bangkay ng tatlong kapatid sa harap niya bago siya tuluyang naglakad at naglaho at sumama sa hangin.

Dumating ang mga ambulansya, mga pulis pati na rin ang mga magulang ng tatlo para imbitigahin ang mga nangyari at sa kalagitnaan ng pagiimbistiga, may nag-ring na cellphone at umalingawngaw ang napakalakas na ringtone na ito sa buong paligid.

Napaupo ang magulang ng tatlo at nakitang nagdudugo na ang ilong at mga tenga nila. Unti-unti na ring may tumulong dugo mula sa mga mata nila.  Tinangka silang bigyan ng paunang lunas pero huli na ang lahat, namatay rin sila...

At maririnig ang nakakakilabot na halakhak ni Shantal, tanda ng pagkakatapos niya sa mission niya...

Ang patayin ang mga pumatay sa kanya...

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

{A/N: YEYYYY! Tapos ko na siyang i-edit! sana mas okay na siya! At reminder, first story po ito kaya sorry kung sabaw! Salamat sa mga umabot hanggang dito! :D}

The Ringtone [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon