The First Victim

1.2K 15 0
                                    

{A/N: Hey! I'm back with a new POV xD!!! Enjoy reading darlings!}

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~

Reinzona's POV

Ayun paggising ko wala na ang roomate kong ewan! Paglabas ko, nakita ko si Santi, kalalabas din kaya ayun bonding-bonding.

~~~

Nasa may salas kami nang makarinig kami ng weird ringtone. Nakakaloka ah, kasi it was so oldies, pero dahil kinilabutan ako eh naalala ko nanaman yung mga nangyare kagabi, the last thing I remember is yung pagbigat ng pakiramdam ko at yung babaeng lumalabas mula sa ilalim ng kama ni Jermylaine. Sht! San ba kasi galing itong ringtone na ito!

Pero bigla itong nawala nung lumitaw si Brettina at Fabian.

'Guys, nakita nyo ba si Jermylaine?' tanong ko. Not that I'm concerned pero, basta, I just feel like looking for her.

'Hindi, pati nga si Jacob nawawala eh' sagot naman ni Fabian. Dafuq? Don't tell me nagdate yung dalawa? Sa laki ng bahay na ito eh baka hindi na namin sila makita pa. GOOD! 

Tapos nagimbal kaming lahat nang lumabas si Jermylaine at Jacob mula sa isang partially dark hallway. Unang bumanat si Santi at nailabas din ang totoo na naging sila ni Jermy. Dun ko rin na-confirm na wala namang kakwenta-kwentang jowa si Jermylaine!

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Brettina's POV

Unang araw namin dito sa bahay. Parang Pinoy Big Brother lang. Nagising ako at paglabas ko nakita ko si Fabian. Hindi naman kami masyadong close pero matagal ko na siyang ina-admire Oo! Crush ko siya!

Bumaba kami at nagusap sa salas. Since parang kami palang ung gising, mahina ang aming mga boses at halos hindi na kami nagkakaintindihan. Hindi ko alam kung parehas kami ng nararamdaman para sa isa't isa. Pero nasira ang moment nmin nang marinig namin ang kakaibang ringtone. Hindi siya galing sa phone ko, or ni Fabian, or ni Santi or ni Jacob. Pero imposibleng may tumawag or magtext kasi malayo ang location nmin at nawawala-wala ang signal.

Sinubukan namin sundan kung saan nanggagaling ang ringtone. Naalala ko nanaman ang mga nangyare sa akin kagabi, ung mga nakita, naramdaman at narinig ko. Nakarating kami sa isang pintuan sa may dulo ng bahay. Bubuksan sana namin nang....

'Anong ginagawa niyo?' muntik na kong mapasigaw at kitang-kita ko rin na nagulat si Fabian kay Shantal.

'Ah, parang may narinig kasi kami' sagot ni Fabian

'Wag kayong papasok sa mga kwarto dito sa first floor ha? Hindi kayo ang  may-ari kaya wala kayong karapatang pumasok sa mga kwarto dito. Kung saan kayo naka-destino dun lang kayo pwedeng pumasok.' sagot niya habang may nakakatakot na tingin sa kanya, napakapit ako ka Fabian dahil dun.

'Ok po, sorrie' sabi ko habang nakahawak pa din kay Fabian.

Paglabas namin ay nandun na rin si Rein at Santi sa salas.

'Guys, nakita nyo ba si Jermylaine?' tanong ni Rein.

'Hindi, pati nga si Jacob nawawala eh' sagot naman ni Fabian. Ipinagwalang-bahala na lang namin kasi baka nagde-date sila o ano kaya nag-usap at bonding na lang kami sa salas.

Nagulat kami nung lumabas si Jermy at Jacob mula sa isang madilim na hallway. Syempre unang nagtanong si Santi at dahil din dun eh nalaman namin na naging sila ni Jermy kaya medyo shocked pa rin kaming lahat.

~~~

Ngayon kasama ko si Rein...

'Bat ba ang laki ng galit mo kay Jermylaine?' tanong ko

'Kasi, siya lang naman ang nag-iisa kong karibal kay Santi noh! Actually BFF kmi dati, tapos naging sila ni Santi tas nasira na lahat un.' paliwanag niya.

'Ah, ganun pala ang happenings sa inyo!' --ako.

'Oo, hay let's go up na nga!' tila naiinis niyang utos!

Umakyat na kami....

Nakita namin sa Kwarto sina Jacob at Jermylaine ulit.

'Omgee, anong ginagawa mo dito Jacob?' tanong ko.

'O sige lalabas na!' sagot niya at ayun lumabas nga, at syempre sumunod si Jermy niya!

Tas nagsasalamin ako nang may naisip akong itanong kay Rein

'Patulong naman Rein.'

'Saan?' sagot niya

'Pahingi naman ng advice tungkil sa mga damit ko para mag mukha akong mas cool' sagot ko

'Sabi ko na nga ba eh!' sumbat niya

'Bakit?'

'Kaya ka nakikipagkaibigan sakin para lang maging "mas cool"?'

'Hindi ah! Kung ayaw mong magbigay ng advice, ok lang'

'Advice? Gusto mo ng advice? Oh ito advice: Wag kang magsusuot ng YELLOW at ORANGE on the same week yet alone the same outfit! At tsaka hindi bagay sa skin tone mo kaya don't wear YELLOW and ORANGE na lang! OK?' sagot niya

'Pero favorite colors ko ang YELLOW and ORANGE' paliwanag ko

'WELL SORRIE KA, HUMINGI KA NG ADVICE AT BINIGYAN KITA! OK?' sigaw niya.

Lumabas siya at sinara ang pinto

Nagsasalamin ako nang may narinig akong ringtone na kakaiba. Hindi yun sakin. At ako nalang naman ang andun sa kwarto. Nagpatay-sindi ang mga ilaw. Nagliparan ang mga damit, kumot, unan. Tumakbo ako sa may pintuan at sinubukan kong buksan pero hindi gumagana. Sumisigaw ako para mabuksan nila ang pinto pero wala talaga.

Tumalikod ako at nagulat ako sa nakita ko. Isang bababeng duguan ang nasa salamin.

'Ahhhh-----' naputol ang sigaw ko ng mabasag ang salamin at magsiliparan sa akin ang mga bubog. Ramdam na ramdam ko ang bawat pagpunit ng basag na salamin sa balat at ibang lamang-loob ko. Napahiga ako at naliligo na sa sariling dugo. May nakita akong lumapit sakin, nakangiti siya. Isang napakasamang ngiti. Kitang-kita ko ang kasiyahan niya dahil sa mga nasisilayan niya. Hindi ko na nakayanan at bigla na lamang akong napapikit.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Reinzona's POV

Paglabas ko biglang nagsara ang door and not just sara na tinulak sara ni DABOG! Nagalit nga talaga ata sakin si Bret dahil sa nasabi ko. Sht, nag-guilty nanaman tuloy ako!

 "Oy Bret, okay ka lang? Galit ka? Sorry na oh! Di ko naman sinasadya eh" --ako.

"Okay lang, nagbibihis lang. I'll be down in a moment" --siya. Edi nakahinga naman ako ng maluwag at pababa na sana ako.

Pero narinig ko na lang na sumigaw siya. Biglang nagbukas ang pinto at napasigaw ako sa nakita ko. Umakyat na rin ang iba at ang nakita na rin nila ang nakita ko.

Si Brettina, tadtad ng saksak mula sa basag na salamin.

At patay na...

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

 {A/N: Na dispatcha na nung misteryosong nilalang ang una niyang biktima. Ano na kaya ang mangyayare sa iba? Let's find out in the next chapters}

The Ringtone [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon