Behind the Door...

1.3K 18 1
                                    

Jacob's POV

Kinabukasan

5:45 pa lang gising na ako, dahil yun ang nakasanayan ko. Kahit na ayaw ko pa eh lumabas na ako para mag-cr at nakita ko si Shantal na naglalakad. Tinawag ko siya pero hindi niya ako pinansin kaya sinundan ko siya. Pagbaba ko sa First floor bigla siyang nawala sa paningin ko. Kinilabutan ako at umakyat na lamang, pag liko ko ay nabangga ko si Jermy at nasampal niya ako

'Aray, bakit?' tanong ko

'Sorrie ah, nagulat kasi ako' paliwanag niya

'Ok lang, bat gising ka na?' tanong ko ulit

'Kasi naalimpungatan ako kaninang 5, hindi na ako makatulog kaya lumabas na ako' sagot nya

'Tara, kape tayo.' alok ko

'Sige ba' pag sang-ayon nya.

So bumaba na kami sa may Kitchen at magtitimpla na sana ng kape, pero nakapatay ang gas. Umalis ako para hanapin si Shantal, sinabihan ko si Jermy na samahan ako pero maghihintay na lang daw siya doon. Hindi ko pa rin makalimutan yung nangyare dito sa kusinang ito! Pinipilit kong isipin na panaginip lang ito pero totoo siya eh. Totoong totoo!

~~~

 Naglalakad ako sa isang medyo madilim at mahabang hallway. Nung nasa may gitna na ako kung saan malayo na ako sa pinaggalingan ko at malayo pa ung pupuntahan ko, may parang sumusunod skin. Napabilis ang pintig ng puso ko at napabilis ang yapak ko, pero hindi ako tumakbo. Nagulat ako nang bigla akong hawakan sa braso ni Jermy, namumutla at pawis na pawis.

Nagulat talaga ako nang biglang hinawakan ni Jermy ang braso ko at nung nangyare yun ay hindi na tumigil ang pakiramdam ko, ang pakiramdam kong may mali sa bahay na ito. Una dahil dun sa na-experience ko kaninang umaga at sumunod yung kay Jermy na namumutla at napakalamig ng kamay at kung makatingin sakin ay parang may gustong ikwento pero hindi niya magawa. Tatanungin ko sana sya pero baka mabansagan nanaman akong feeler, at masira pa ung "Bagong Friendship" namin. At dadagdag pa yung ambiance nung hallway na parang ndi na tumitigil sa sobrang haba.

 ~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

 Jermy's POV

The next morning after our arrival, naalimpungatan nanaman ako ng 5 A.M. I don't know why. I tried to sleep pa pero hindi na talaga ako makatulog! Ewan ko ba kung bakit, pero simula noong dumating ako dito sa bahay na ito eh iba na ang nararamdaman ko. Para kasing may mali, yun bang gut feeling mo na may mangyayaring hindi maganda? Masyado lang sigurong gumagana ang imagination ko. Naalala ko nanamang yung mga nakita ko kagabi: Hindi kaya panaginip ko lang lahat yun? Sana nga panaginip lang talaga lahat ng yun. At nang hindi na talaga ako makatulog, I decided to go out na lang. Paglabas ko nagulat ako kay Jacob at nasampal ko pa siya. Eh mabait naman ako eh kaya I apologized. Then bumaba na lang kami para magkape.

Nung mag-iinit na kami ng tubig naka-off pala ung gas. So hinanap ni Jacob si Shantal, inalok niya nga ako pero I declined kasi baka dumaan siya mamiss pa namin, so I stayed. Tamang-tama pag liko niya, may parang anino akong nakita.

Sinundan ko ang nakita ko hanggang sa lumiko siya sa isang hallway na mahaba uli. May nakita akong room at lalapitan ko na sana pero laking gulat ko nung may biglang kumalabog sa salas. Pupunta na sana ako nang may humila sa buhok ko at napatumba ako! Gumapang ako papunta sa may hallway pero may humatak sa paa ko at nakaramdam na lamang ako ng isang mabigat na bagay na bumagsak sa likod ko. Lumingon ako at nakita ko ang chandelier ay nakabagsak na sakin at natusok ang ibang parte ng likod ko. Maraming dugo ang lumalabas mula sa akin.

Sinubukan kong buhatin ang chandelier para maialis sa akin kaso nakita kong may nakadagan dito. Ang babaeng nakita ko sa ilalim ng kama ni Rein. Duguan, gulo-gulo ang buhok at may nakakatakot na itsura, yan ang nakikita ko sa kanya. Nakikita ko siyang papalapit sa akin at wala na akong nagawa kundi sumigaw ng sumigaw. Pero wala atang nakakarinig sa akin, ipinikit ko na lamang ang mga mata ko at hinintay ang susunod na mangyayare sa akin.

The Ringtone [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon