We Want Answers Mysterious One!

1K 15 4
                                    

Jacob's POV

 Kinabukasan ay naka-upo lang kami sa salas, walang usapan, tinginan, ang maririnig mo lang ay puro bugtong hininga. Grabe yung nangyari kay Brettina. Wala namang pwedeng pumatay sa kanya kundi si Reinzona kce lahat kami asa baba tas asa kitchen si Shantal at si Rein lang ang nasa taas.

Pero nung umakyat kami, asa labas sya. But mahirap magsalita ng patapos. Maraming possibilities. Like suicide or may akyat bahay na pinatay siya or anything NORMAL.

Nagtawag na ulit si Shantal

'Kain na'  tawag niya

'Sige, mauna na kayo guys' sagot ni Jermy

'Ayoko pang kumain' sagot ni Rein.

'Yeah' --Fabian

'Para ngang pati ako eh' dagdag ni Shantal

'Umupo ka nalang din jan' dagdag ko.

Nabasag ang katahimikan namin nang may marinig kaming nabasag sa kusina. Imposibleng may magbasag kasi andito kaming lahat sa salas. Pumunta ako sa may pintuan at nakita ko na...

Nagliliparan ang mga plato!!! Nagsara ang pinto ng kusina. Sinubukan kong buksan pero wala. So naglakas loob na lang ako para tanungin ang masamang elementong ito.

'Sino ka ba? Anong kailangan mo samin? Anong ginawa naming masama sayo? Sumagot ka!'

Walang sagot

'Please, leave us alone! Stop it! We don't want to die!!!'

Bumagsak lahat ng plato at nabuksan na rin ang pinto.

Lumabas na ako at kwinento ko sa kanila ang nangyari sa loob.

'Guys, bat ndi niyo man lang sinubukang buksan ang pinto?' tanong ko.

'Huh? What do you mean dude?' tanong ni Santi

'Na-lock ako sa loob kasama yung kung ano mang elemento yun!' paliwanag ni Jacob

'Eh ang sabi mo, nabasag na plato lang yun, na ikaw na mag-aayos at wag na kaming tumulong.' paliwanag din ni Jermy. Dafuq? Ano nanamang pinagsasabi nila? May iba nga talagang nangyayari dito sa bahay na ito.

 'Ayaw niyo pa bang umalis?' tanong ko

Pero bago pa sila makasagot ay gumalaw lahat ng mga kagamitan sa salas. Papunta sana kami sa pinto nang humarang ang sofa sa may pinto.

Buti nalang na-tiyempohan namin na maka-akyat at magkulong dun sa kwarto namin ni Fabian.

'Ano nangyari dun?' tanong ni Jermy

'Hindi ko din alam' sagot ko

'Teka asan si Shantal?' tanong ni Rein

'Nakita ko siyang pumasok sa kwarto natin. Tatawagin ko sana siya, pero nagsara na siya ng pinto' paliwanag ni Jermy

'Hindi rin naman masyadong maka-sarili yang babaeng yan noh? Hindi niya man lang inisip kung ok lang tayo!' galit na galit na pahayag ni Santi

~~~

Makalipas ang ilang oras ay may kumatok sa pinto namin. Nag-hesitate akong buksan nung una, pero nung nalaman nmin na si Shantal ay binuksan agad namin.

'Nakalabas ka na? Ok na ba?' tanong ni Rein

'Hindi pa, buti nga nakapuslit ako!'

'Bakit hindi pa?' Tanong ni Fabian

'Ummmm, basta! Hindi na importante yan' sagot niya

Kinausap ako ni Jermylaine

'She's avoiding to answer the question!' pagbulong niya

'Oo nga' pabulong na pagsang-ayon ko rin.

Ayun, since hindi naman kami makalabas ay ginamit na namin ang opportunity na ito para makapagusap kami ng maayos at makilala ang bawat isa. Naalala din ni Jermylaine ung mga kaibigan niya dati na sina Prexia, Leonour, Cherly, Kevin, Gelo, at Shermaine na mga friends nya until now. Kilala din namin sila pero not as much as she does at ndi rin kmi close. Kaya tinuloy na lang namin ang kwentuhan at kahit papaano ay nakalimutan din namin ang mga nangyayare sa aming kababalaghan hanggang sa makatulog kaming lahat.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Rein's POV

Well as you know, witness ako sa nangyari kay Bret, pero I did not kill anybody! Pero I know naman na they think I killed her. -.-' but I really didn't.

Ngayon andito na kami sa kwarto at nagkwekwentuhan na lang tungkol sa aming personal lives para naman makilala ang isa't isa bago kami mamatay. May something mysterious talaga kay Shantal, naalala ko tuloy yung paguusap namin kanina.

FLASHBACK:

Pumunta ako sa kusina para kausapin si Shantal:

'Shantal, natawagan mo na ba ang mga parents ni Bret para maiburol na siya?' --ako.

'Oo, pero matatagalan daw sila kasi tinatapos pa ang business trip nila.' --siya. Bakit naman mas importante pa ang business trip ng mga parents niya kesa sa sunduin si Bret para maiburol na? This is the part where I got suspicious. Tas lumabas ako sa salas at sinamahan ang mga kasama kong petrified at traumatized parin sa nangyari. Todo parin ang pag-iisip ko sa sinabi ni Shantal.

END

Ang nakapagtataka pa eh kanina habang nasa salas kami, tinititigan ko si Mystery Girl at pinagmamasdan, inoobserbahan ang bawat kilos niya. Nakita kong ginalaw niya ang mga kamay niya nang dahan-dahan at parang pilit na tinatago ang munting paggalaw na nagawa niya at tsaka may nabasag sa kusina. Nakakapagtaka talaga, ano ba ang totoong katauhan nitong Shantal Fuega na ito? Is she who she says she is?

And now ina-avoid niya sagutin kung bakit hindi pa pwedeng lumabas ng kwarto.

TUMITINDI NA SUSPICION KO NA SHE'S HAS SOMETHING TO DO WITH THE KILLING OF BRETTINA.

Eh ayun, di usap-usap nlng muna kami. Nagbonding. Naging mas close at naalala ni Jermy mga friends niya noon at naalala ko rin ung skin. Actually ndi ko sila "Friends" pero medyo close kami DATI dahil sa babe ko si Neil Floyd Ventura. 'Coz of him, nakilala ko si Franz, Vic, Zachary at dahil naman kay Franz nakilala ko si Denise at dahil sa mga occsional na pagtatanaw ko kay Denise from a distance, nalaman ko name ng mga BFF's niya Rima, Liam and Kyle ata.... Yun ang nababasa ko sa labi nila. Madami pa kaming napagkwentuhan at kahit papano eh nakilala ko nang mas mabuti tong mga kasama ko sa haunted house na ito. Tuloy-tuloy lang ang pag-uusap namin hanggang sa nakatulog na kaming lahat.

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

{A/N: Hey! Segwey lang po! Please read 'Will Never Be A Fairytale' by DerpinaChi

http://www.wattpad.com/3725528-will-never-be-a-fairytale-prologue/intro >>> jan po! read! tnx!}

The Ringtone [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon