Hidden Dark Change...

928 16 1
                                        

Jacob's POV

Ok, so alam naman namin na walang kinalaman si Rein sa nangyari kay Bret. Ok so, di ayun nga, umakyat kami para ayusin ang tutulugan naming kwarto. Napagdesisyonan namin na sa isang room nlng kming lahat since kaya naman namin at nasubukan na namin yun.

~~~

Nasa taas na kami at nag-aayos, naiwan si Rein at Santi sa baba, naghe-heart to heart talk ata? Ewan! Pero ang iniisip ko pa eh bakit parang wala pang kumukuha sa bangkay ni Brettina?

'Uy, natanong mo ba kay Shantal kung natawagan niya na parents ni Bret?' pabulong kong tanong kay Jermy.

'Hindi pa, tanong ko.' sagot niya. Tumango na lang ako.

'Ummm, Shantal, natawagan mo na ba ang parents ni Brettina?' tanong ni Jermy

'Ou daw, pero matatagalan silang makakapunta dito kasi nag-out of the country sila.' sagot ni Shantal

Nagtaka naman kami ni Jermy kung bakit hindi pa putulin ng mg parents ni Brettina ang vacation nila?

Andun ako sa may pinto at tanaw ko sa baba, pagtingin ko parang may kakaiba nang nangyayari dahil sa mga facial expression nila. Then biglang nagsara ang pintuan. Tulong-tulong kami para buksan ang pintuan pero hindi gumagana hanggang sa mapatayan din kami ng ilaw.

Narinig nalang namin na sumisigaw si Rein at Santi. Sinubukan talaga naming buksan ngunit hindi talaga siya gumagana.

May narinig kaming pagsabog at dun lang nabuksan ang door at bumaba na kami

Nakita namin ang mga nangyari. Nakabulagta si Santi at sunog ang buong katawan. Nakapulupot din ang wire ng lampara sa kanyang leeg.

Naging dillusional si Rein at nagwawala! Nagmamadali siyang umalis at nagmamatigas kahit na bahang baha pa ang daanan. Nanahimik lang kaming lahat nang sinabi ni Jermy na PARANG may naglalakad sa taas. At syempre nagwala nanaman si Rein.

Namatay nang tuluyan ang mga ilaw at sumigaw si Rein.

'Rein! Ano ba?!' sigaw ni Fabian

'Umalis na kasi tayo!' pangungulit niya.

'Hindi nga pwede' sagot ni Fabian.

'Ano bang nangyayari?' tanong ni Rein.

'Pumutok ang fuse box kaya nawalan tayo ng ilaw!' sagot ni Shantal.

'Baka gusto mo nang kumuha ng kandila noh?' utos ni Rein.

'Sandali lang' sagot ni Shantal

'Rein, relax lang nga!' --Fabian.

'Anong relax-relax? Mamamatay na tayo, parelax-relax ka pa jan!

Umalis si Shantal at bumalik na may dalang 3 kandila.

Kinuha ni Fabian ang isa at umakyat sa sobrang inis kay Rein

'Maka-alis na nga' sumbat niya

'San ka pupunta' tanong ni Jermy

'Sa taas, may gagawin lang' sagot naman ni Fabian, iba na ang kutob ko sa sagot niyang yun pero nanahimik nalang  ako para wala nang eksena.

'Delikado jan' --Shantal

'Babalik din ako' paninigurado ni Fabian

'Bahala ka!' sumbat ni Rein

'TALAGA!' sigaw ni Fabian.

'Makabubuti siguro kung dito lang tayo hanggang magkailaw' --Shantal

'Ou nga' pagsang-ayon ni Jermy. Wala na eh, sumang-ayon na siya eh! Wala na akong magagawa!

Naiwan kami sa baba kami at nag-uusap kami ni Jermy tungkol kay Fabian

'Alam mo ngay, iba na kutob ko kay Fabian' --ako.

'Oo nga, parang may kinalaman din siya sa nangyayari' --Jermy

May naramdaman akong kilabot at tsaka ako umakyat, sumunod naman silang lahat...

'San ka pupunta?' tanong ni Jermy

'Parang may masamang nangyari kay Fabian eh' drama ko

'Sige, tara!' alok ni Jermy, sumunod naman si Shantal

'Hey! Ayokong maiwan! Wait!' birit ni Rein.

Nagulat sila sa nakita nila na.........

~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*~*

Fabian's POV

Simula nung namatay si Brettina ay nag iba na ang paningin ko sa mundo. Hindi na ako nakikibonding at si Shantal nlng ang lagi kong kinakausap ng matino. Siya na lang ang kakampi ko. Fuck, erase that, hindi kakampi, siya lang ang paraan ko para makatakas sa mga magaganap dito sa bahay na ito. This is not the last time na may kababalaghan na magaganap. There will be more... A LOT MORE... I still remember that day... the day I CHANGED...

 Flashback:

'Kawawa naman si Brettina noh' --Shantal

'Ou nga eh' --ako!

'Alam mo, naawa ako sayo, nadamay ka pa tuloy dito. Haha' --siya. Ano namang ibig sabihin nito?

'Bakit? Anong alam mo sa mga nangyayari dito?' --ako.

'Basta, kailangan mo kong kampihan at kailangan mo ring iwasan sila para mabuhay ka.' --siya.

'Ako lang?' --ako.

'Oo, ayaw mo ba?' --siya.

'Tss, whatever. Hindi naman nila ako tinuring na kaibigan noon eh, so why would I treat those fools as my friends now?' --ako. Isang ngiting demonyo lang ang binigay sa akin ni Shantal at dun ko na naintindihan lahat ng plano niya.

End

Alam ko rin ung ginawa ni Manong Jollidee, sinadya niyang masira ang makina para mag-stay uli kami, syempre pumayag ako kasi alam ko na walang masamang mangyayari skin.

Ngayon ay naghuhugas siya ng mga plato at sinasamahan ko siya para hindi ako makausap nung mga hangal sa labas.

'Huwag mong hayaan na makahalata ang mga kaibigan mo ha?' utos ni Shantal

'Oo, pero bakit?' tanong ko

'Kasi lahat kayo, PATI ikaw mamamatay!' sagot niya.

Nananahimik nalang ako at lumabas na kami sa salas. Kinumbinsi ni Shantal ang mga kasama kong mag-stay at pumayag naman sila. Umakyat kami para ausin ang room nmin.

 Nanahimik nalang ako at lumabas na kami sa salas. Kinumbinsi ni Shantal ang mga kasama kong mag-stay at pumayag naman sila. Di aun umakyat kami para ausin ang room nmin.

Habang nagaayos kami eh sumara ang pinto at tinignan ko si Shantal, alam niyang may nangyayari sa baba at syempre nagkunwari akong tutulong sa pag-bukas. Nabuksan din at nakita namin na wala na rin si Santi. Hindi ko alam pero napangiti ako ng bahagya

Nagwawala si Rein. At sa sobrang irita ko sa malakas niyang boses nasigawan ko siya. Nawalan ng ilaw at mas lalo pang nagsisisigaw-sigaw si Rein. Nak ng! Ano ba yan! Kaya nung nakakuha na si Shantal ng kandila ay kumuha na rin agad ako at dinala ko na at tuluyang umakyat sa cr...

Gagawin ko ang lahat mabuhay at maligtas lang. Kahit ibig sabihin nun eh ako pa magpahamak sa mga kasama ko...

The Ringtone [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon