Dating Pag-ibig

43 2 0
                                        

Maraming araw ang nagdaan

Puso ko'y unti-unting gumagaan

Damdamin ko'y unti-unting nagbabago

At pagtingin ko sayo'y malapit nang maglaho

Pagdadamlahati'y napalitan ng pagpupursigi

Pagpupursiging tuluyang itakwil ang dating pag-ibig

Pag-iibigang nag-udyok sa atin upang magkasakitan

At nagbigay ng dahilan upang tayo'y magkalimutan

Deep InsideMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon