Sa paghawak ko ng iyong kamay
Alam kong ako'y may karamay
Ngunit ang yakap mong kay higpit
Ay mayroon palang kapalit
Kapalit ng ating kaligayahan
Ay ang matagal na samahan
Samahan ng dalawang magkaibigan
Na humantong sa pagsisisihan
Pero ikaw ang nandiyan
Sa tuwing ako'y nasasaktan
Kahit lubha ka ng nagdurusa
Ay hindi ka sumuko at tumingin sa iba
Kaya gusto kong maayos na tayo
Gusto kong isipin naman ang sarili ko
Gusto kong lumigaya sa piling mo
Kaya bumalik kana, o giliw ko
BINABASA MO ANG
Deep Inside
PoetryWhen I fail to put my feelings into words, the pen and paper comforts me like no other. Random words poured from my heart and soul. Please don't copy without giving credits.
