Dalamhati

32 1 0
                                    

"Hindi kita iiwan"
Mga salitang iyong binitawan
Ngunit kalaunan ay kinalimutan
At hindi man lamang pinanindigan

Sa bawat buka ng iyong bibig
Ay mga kasinungalingan na
Hindi ko ibig marinig
Sapagkat ako'y sawang-sawa na

Ayoko ng magdusa sa parehong paraan
At magmahal sa parehong dahilan
Ngunit palagi mong pinipilit
Ang mga bagay na hindi na kayang kumapit

'Wag kanang bumalik
'Wag kanang maging sabik
Sa pagmamahal na aking inalay
Pero ito pala'y iyong ipinamigay

Deep InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon