Pagsibol ng Bagong Pag-ibig

45 3 0
                                        

Sa bawat sakit na ramdam ay mga luhang dulot ng iyong paglisan

Sa paglisan mo'y pagbabago ang namayani sa nangungulila kong puso

Sa bawat pagsikat ng araw, ang sakit ay unti-unting naglaho

Dumating ang araw na akala ko'y nabaon na sa limot ang lahat ng alaalang minsan kong pinahalagahan

Sinubukan kong tumingin sa iba at buksan ang sarado kong damdamin

Ang hindi ko alam ay mayroon pang katiting na pagmamahal ang natitira galing sa kahapong aking tinalikuran

Ayokong lokohin ang sarili ko kaya pinilit kong papasukin sa buhay ko ang lalaking nagmamahal sa akin

Ako'y naging duwag kaya pipilitin kong burahin ang natitirang damdamin upang ika'y aking tunay na mahalin 

---------------------------------------------------------------------------------
Requested again 😂 (You know who you are).

Deep InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon