Baka

27 0 0
                                    

Baka hindi pa dapat
Baka hindi pa tapat
Baka hindi pa sapat
At baka hindi pa nararapat

Maling panahon, maling oras
Pero paano kung ito na ang wakas?
Pwede bang umabot pa ng bukas?
Upang magkaroon man lang ng lakas

Lakas upang puso'y magparaya
Lakas upang maging malaya
At lumimot sa lahat ng alaala
Pangmatagalan man o pansamantala

Deep InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon