Dapat Bang Ipaglaban?

35 1 0
                                    

Puso ay nasugatan
Nang hindi mo ipinaglaban
Kahit man lang minsan
Ay gusto kang kalimutan

Pero paano na lang ako?
Ako na hindi pa sumusuko
Maiiwan nalang bang nag-iisa
Na nagdurusa at umaasa?

Ganito nalang ba
Magtatapos ang ating storya?
Ang ating "walang iwanan"
Ay naging "walang kibuan"

Isang tanong ang naging dahilan
Ng panghihinayang at kasawian
Sa atin na noo'y magkaibigan
Tanong ko, "Dapat pa bang ipaglaban?"

Deep InsideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon