Chapter 8

33 3 3
                                    

I'VE MET SOMEONE NEW
~=~=~=~=~=~=~=~=~=~=~=~=~

SKYLER'S POV

Pagkatapos kong iexplain ang lahat lahat kay Cean, tumigil na rin siya sa kakamura sakin.

Nawala na rin yung pakiramdam kong papatayin niya ako.

Buti nalang di ako nahawa dito sa babaeng to!

Hindi ako naging palamura!

Hahahaha! Ang good girl ko kasi! Hihihi

Atsaka kapag nagmura ako, paniguradong putol ang dila ko kay mama.

Sabay sabay na kaming umuwi pagkatapos nun.

Nagkulitan at tawanan pa kami habang nasa jeep. Si Art pinagtitripan pa yung driver eh. Hinuhugotan niya pa hahaha!

Example...

"Manong, talagang pinagtitiisan mong isakay ang mga taong walang pakeelam sayo? Ganyan naman silang lahat eh, pagkatapos ka nilang gamitin bigla ka nilang iiwanan." -Art

Napapatawa na lang din yung driver sa pinag-gagawa ni Art hahaha!

Eto pa!

"Manong, sa lahat ba ng oras binabayaran ka lang nila kapalit ng kailangan nila? Diba, hindi tama yun? Hindi tayo bayaran. Hindi nababayaran ang efforts natin."

See? Nakasinghot eh.

Pagbaba ng jeep, naglakad na kami sa kanya-kanyang bahay. Lahat naman kami nakatira sa isang compound kaya halos magkakapitbahay lang kami.

Pagpasok ko sa bahay bumungad agad sakin si mama.

"Musta school?"

Hindi parin po nagigiba. Masusunog pa lang po.

Charr! Baka batok lang ang abutin ko kapag yun ang sinabi ko eh.

"Ok lang po ma, kami kami parin yung mga nagpapansinan."

"Wala kang nakilalang bago?"

"Meron po ma, si Loui."

"Ahh, eh lalaki? Wala?"

"Wala po ma."

"Maghanap ka na, tatanda kang dalaga niyan! Hahaha!"

Tapos nagtawanan na rin pati yung mga kapatid ko.

Ako nga pala ang panganay at kaiisang babae sa magkakapatid.

Ang pangalan ng dalawang kapatid ko ay Ezeille at Ellijah. Pero ang tawag ko sakanila ay Zai at Ej. Ang hirap kasi bigkasin nung mga pangalan nila! Nakakatamad!

Pumunta na ako sa kwarto ko at nagpalit ng damit.

Nagpahinga ng konti tapos chineck yung mga notes ko kung may assignments para sure.

Wala namang assignment.

After that, naalala ko yung mtap.

Putek wala pa akong kaalam alam about dun!

Panandaliang nagonline ako.

'Use data to see photos' huhu.

Magchchat lang naman pala ako eh.

'You have 9360729163 friend requests, 1193017153047102 messages, and 392172651936291036399999 notifications.'

(Ang OA ni author hahaha)

Nag-aaccept lang ako ng kilala ko or kapag mutual nung apat pati ni bes.

Tinatamad akong iopen lahat, messeges na nga lang muna.

Vexatious HeartbreakWhere stories live. Discover now