SKYLER'S DISCOVERY
~=~=~=~=~=~=~=~=~=~=~=~=~XANDER'S POV
Sunday 5:32 am
Maaga akong nagising. Ewan ko kung bakit basta lutang parin ako hanggang ngayon dahil yung katabi ko nung friday ay walang iba kundi si Skyler Johnson.
What a coincidence diba?
Wala siyang sa mood para kausapin ako dahil nilalamig daw siya, that's why nakajacket siya na black with matching hood na ikinadahilan ng curiosity ko.
Kaya kung ikukwento ko pa sainyo yung nangyari nung friday, wala din. Parang nakatabi lang ako ng isang poste. Hindi ko nakausap eh.
Ayoko naman ding kulitin dahil baka mainis lalo yun sakin edi bawas porma points pa diba?
Hindi ko alam kung paano ko ba yun popormahan. Siya lang yung babaeng ang hirap makuha!
Well, hindi kasi siya easy-to-get. Mas lalo akong nacha-challenge na maging akin siya.
Pero kagaya ng sinabi ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo ng lolo ko, ang babae may malambot na puso lalo na kung wala pang experience sa love, lahat ng babae ay madaling bumigay, gusto muna nilang makita kung talagang seryoso ang isang lalaki. Once na tumibok na, hindi na nila mapipigilan pa.
Nags-scroll down lang ako... walang magawa eh, wala din akong makachat. Sino ba namang magoonline sa oras ng 5:50 am?
Haysss matutulog na nga lang ulit ako.
Zzzzzzz...
SKYLER'S POV
Sunday 7:04 am
"Ate! Ate! Ate! Gising na!" sigaw at alog sakin ni Zai sa kama ko.
"Bakit ba... wala namang pasok ngayon eh... sabado ngayon..." patamad kong sinabi sakanya habang kumakamot sa ulo nang nakapikit parin ang mga mata ko.
"Basta ate! Gising na! Kailangan mo ng gumising ngayon!" sabi naman sakin ni Ej habang hinahampas yung bandang paa ko.
"Bakit ba kasi?! Patulugin niyo naman ako... ngayon na nga lang pahinga ko eh... baba na wag ng makulit..."
Tumahimik sa kwarto ko pero nandito parin sila sa kama ko.
"SI PAPA NASA BABAAA!!!" sigaw nilang pareho.
Biglang lumaki ang mga mata ko na tila bang nawala ang antok ko.
Dali-dali akong bumaba, nauna pa ako kina Zai at Ej. Walang hugas, suklay, bra. Ora-mismo, bumaba agad ako.
Pero pagbaba ko, wala namang sumalubong sa aking "papa", chineck ko pa siya sa kwarto niya, wala din. Tinignan ko sa banyo, wala parin. Pumunta ako sa garage, wala. Hanggang pumunta ako sa kusina namin kung saan nandun din si mama, wala parin.
Nagtaka sakin si mama at nagtanong, "Anong hinahanap mo ate?" Ate ang tawag niya sakin kapag good mood. Full name ko naman ang tawag niya kapag bad mood.
"Si papa po?" nakangiti kong sinabi.
"Ha? Nananaginip ka ba anak? Hindi pa naman umuuwi papa mo ah?" nagulat ako at tila bang nadismaya at naginit ang dugo ko.
"Sabi nila Zai at Ej nandito si papa!" napaluha nalang ako bigla. Si mama naman nakatitig lang sakin na parang bang nagtataka at naaawa.
Padabog naman akong lumabas sa kusina at pagkadaan ko sa sala, nakita ko ang kambal na sina Zai at Ej.
"Zai! Ej! Akala ko ba andito si papa!?" sigaw ko sakanila.
"Nagjojoke lang kami ate para magising ka na." sabi nilang dalawa saakin.
YOU ARE READING
Vexatious Heartbreak
Jugendliteratur(ON-GOING) A love story with random situations... Random lifes. Random lies. Random thoughts. Random faughts Random heartbreaks. Random heartaches Their Own Vexatious Heartbreaks. Her bestfriend that is inlove with someone else. Her first love who...