FIRST DAY
Sana hindi narinig ni Lord mga sinumpa ko sakanya kanina. Hahaha!
Meet Cean Monda De Leon, endearment namin ay 'bes' but don't worry, hindi siya ahas. Hayop lang.
Bestfriend ko since grade 5. Famous yan, jusq dinudumog yan kapag nasa mga trinoma or GT ba un? Daming alam. Nga pala no, dun rin siya magaaral sa pag-aaralan ko. Pero ang pagkakaalam ko, magkaiba kami ng section. Saktong paglingon ko, habang tumatawa pinilit niya paring magsalita.
"HAHAHAHAHAHAHAH ANG TANGA TANGA! ANG TANGA TANGA NI BESHYY!"
Kinantahan pa ako ang sama sama. Lutong pa magmura jusko.
"BES! SAYANG DI PA NATULOY! MAKAKAKUHA KA NA SANA NG SAMPUNG ISDA HAHAHAHAH!"
Ang babaw naman ng babaeng to. Kung hindi ko lang to kilala malamang ginilitan ko na to ng leeg.
"SAYANG BES DI KO NAVIDEOHAN HAHAHAHAHA!"
Hindi naman ako famous ah -.-
"Bwiset ka! Pero nung nalaglag Iphone mo halos mangiyak ngiyak ka at naglulumpasay diyan! MAY BUHAY UN BES? MAY BUHAY?"
Napikon ako. Hehe.
"ATLIS YUN, MAY BIG AMOUNT OF VALUE! HAHAHAHAHAHAH DEJK LANG!"
"HMMP! Bahala ka dyan! May value pala ah? So ano? Wala akong value ganun? Aga aga panira agad. Lunes na lunes bes! Tabi nga diyan! Malelate na ko!"
Iritang irita na ako dahil dun sa 'MAS MAHALAGA PA PALA IPHONE NIYA KESA SA CHILDHOOD BESTFRIEND NIYA'
"BES MERON KA BES? CHECKIN MO NGA BAKA MAY TAGOS KA NA. HIGHBLOOD MO EH ALAM MO BA YUNG JOKE? SECTION 1 KA TAS DI MO ALAM DEFINITION NG JOKE? ANO BES WALA SA BOKABULARYO MO YUNG SALITANG JOKE? TARA NA NGA SABAY NA TAYO! SAKAY NALANG TAYO NG TAXI PARA MABILIS! AKO MAGBABAYAD! O ANO? HAPPY NA?"
Kahit napakalakas nitong mangasar, love na love ko to eh, kitamo manlilibre pa ng fare papuntang school. Taxi pa talaga! Yaman kasi ng babaeng to eh. Swerte ko talaga sakanya hihihi
Mamaya ko nalang ikukwento sainyo ang iba pang info and stories about my bestfriend Cean. Kasi baka malate na ako hehehe. Chareng, sadyang tinatamad lang akong pagdating sa babaeng to.
"Yan gusto ko sayo bes eh! Kaya mahal na mahal kita eh! Arigatou! Ganda mo talaga lalo na ngaun!"
Nambola na akez hahahaha! Di talaga siya maganda ngayon, never naman eh.
"NYETA. IKR. Salamat nalang sa pampupuri mo kahit alam kong nambobola ka lang punyeta ka."
Sabay taray sakin hahaha!
Pinabayaan ko na siya pagtapos nun. Baka bawiin pa yung libreng fare eh hahahaha! Pumara na kami ng taxi. 5:22 am ng makasakay na kami. Mabilis naman kapag taxi kasi andaming alam na pasikot sikot tyka di na humihinto para mag-abang ng mga pasahero. Habang nasa taxi kami, saglit akong nagopen ng facebook.
Putspa, nauumay na ako sa katabi ko. Umagang umaga, naka 29 selfies na. Upload agad sa fb, tapos nakacaption "KEEP IT CALM, GOODMORNING! Have fun at first day. Iloveyou all! #nofilter." Nilike ko nalang, kahit nakakaumay na. Baka kasi kapag di ko nilike magalit pa sakin. PERO WTF! Bago ko ilike, nakita ko agad kung ilan yung likes sa post nyang yun. 987 likes/reactions agad?! 3mins ago palang ah? Fame talaga amputek. Puro mukha lang naman ang nasa wall. Nagoffline nalang ako agad, wala rin naman akong magawa, atsaka nasira na agad ang araw ko dahil sa pagmumukha nitong babae na to. Pagtapos nun, ginawa ko nalang sa taxi ay nagponytail ako ng buhok, kanina kasi nakalugay, eh ayoko ng nakalugay. Tapos kumain nalang ako. Baka atakihin ako ng ulcer eh. Yes, may ulcer ako. Nagpapalipas kasi ako dati dahil una, ayokong tumaba. Pero ngayon sobrang takaw ko na. Pangalawa, busy ako dahil ako parating nakatoka sa reports. Pangatlo, dahil wala akong hilig sa gulay. Hehehehe. Nakuha ko tong sakit na to since grade 4 ata? At hindi siya madali. Napakahirap at sakit, kaya ganun ganun nalang ang pagaalaga sakin ni Mader.

YOU ARE READING
Vexatious Heartbreak
Teen Fiction(ON-GOING) A love story with random situations... Random lifes. Random lies. Random thoughts. Random faughts Random heartbreaks. Random heartaches Their Own Vexatious Heartbreaks. Her bestfriend that is inlove with someone else. Her first love who...