---
Day 1
Ito ang unang araw ko , unang araw ko sa trabaho bilang caregiver dito sa canada ..
Natanngap ako sa inaplayan ko at swerte akong mabilis agad ako nahanapan nang employer ang saya saya , mababago ko na ang kapalaran ko , malaki laki din ang sasahudin ko dito at malaki ang maiipon ko , kaya ngayung araw uumpisahan ko na ibigay ang best ko para magustuhan ako nang amo ko at baka bigyan pa ako nang bonus ..
Ngingiti kong naiisip habang inaayos ang pinag higaan ko , buti na lang mabait sila at pinag pahinga muna ako , kaya ngayun aayusin ko talaga ang trabaho ko ayokong mapahiya ..
Masaya akong lumabas nang kwarto ko at nilibot ang buong bahay medyo maaga pa 5:30 pa lang nang umaga kaya baka tulog pa sila ..
Mula sa pwesto ko unang palapag nang bahay ay sobrang lawak na paano pa kaya sa pangalawa , .
Napag pasyahan kong lumabas nang bahay at silipin ulit ito , katulad nung una kong pagtapak sa bahay na to nakakamangha talaga sa labas ang ganda , medyo malayo nga lang sa mga kapitbahay pero maganda ang view halata na ngang nasa Canada na ko , andaming puno na may dahon na kulay pula , nakalimutan ko na kung ano tawag sa dahon na yun pero hayaan muna kinuha ko na lang at nilagay sa bulsa ko at iipit ko sa diary ko remembrance ba ..
Habang tinitignan ko ang kapiligiran nang may saya ay napansin ko na lang na parang may matang nakatingin sa akin mula sa aking likod ay nakita ko ang bintana mula sa pangalawang palapag na nakabukas at may isang matatalim na matang parang humihiwa sa katauhan ko ang nakatitig sa akin ..
Sa kaba ko bigla na lang akong napatalikod at tumama ang ulo ko sa matigas na bagay ..
What are you doing ? Masyado pang maaga para maglibot . -- seryosong tanong sa akin ni mister Samson ..
Ah sir , sorry po napa aga lang nang gising , kaya sinilip ko lang saglit ang labas at para maka amoy na din nang sariwang hangin ... --- ngiti kong sambit sa kanya at tinanguan nya lang ako
Anyway , Hindi ka namin naipakilala sa aalagaan mo yesterday dahil pagod na kami at pagod ka rin sa byahe , kaya gusto ko maghanda ka nang agahan ngayon at ipapakilala na kita kay travis , ang kapatid ko na aalagaan mo , . --- seryoso nyang saad at pumasok na sya sa bahay kaya sinundan ko na lang din sya para makapag ayos nang pagkain nang aalagaan ko .
----
Ilang saglit lang nang maihanda ko na ang pagkain ay pumanhik na kami sa kwarto kung saan ang kwarto ni Travis na pagsisilbihan ko ..
Pintuan pa lang nang kwarto ay may kakaiba na akong nararamdaman hindi ko alam kung bakit siguro kinakabahan lang ako .
Nang buksan na ni Mr.Samson ang kwarto ay pumasok na ako dala ang pagkain ni travis ,..
Nang makapasok ako ay ramdam na ramdam ko ang sama talaga nang pakiramdam ko , lalo na nang makita ko ang disenyo nang kwarto puro bungo , ang display at ang kulay nang kwarto ay puro pula ..
May mga nakasabit din na kung ano anong patalim , medyo natakot ako at parang gusto kong umatras , pabalik nang pilipinas ..
BINABASA MO ANG
SATABI √ Fin
Short StoryNag punta sa abroad para kumita nang pera at mapabago ang buhay nya pero hindi lingid sa kaalaman nya na kakaibang nilalang pala ang kanyang makakasama . --- All rights reserved Written by : Fattiekim Copyright ..