[A/N: Ito na naman ang mga nagseseksihang mga writers ng Team Calamansi.Bisitahin niyo po sila,nasa External link po sila.Nagsearch po pala ako ng song about sa calamansi at medyo natawa ako sa nahanap ko.Pakinggan niyo na lang hihi.Unti-unti na akong naiimpress sa mga poems niyo ah.]
Oktubre
Buwan ng Oktubre nang nabuo ang samahan
Samahan na tila ba wala ng hangganan
Usapang seryoso na may halong kalokohan
Mapa-Miley Cyrus man o kasagingan
Rema Team kami kung tawagin
Pundasyon na hindi kayang buwagin
Lider naming mahabagin
Kailanman ika'y rerespetuhin
Oktubre, Nobyembre o Disyembre
Umulan man ng lalake o nyebe
Pumuti man ang uwak at umitim ang bibe
Hindi ka iiwan makapagsalita man ang pipi
Pilit ginagaya pero hindi mapantayan
Samahang walang katulad at may napatunayan
Mga sinulat ng miyembro'y nasa mainit na listahan
Mambabasa, boto't komento ay nagsidagsaan
Mabuhay ang samahang RT!
Napupuguran ng magagaling at hindi puro arte
Samahan ng mga baliw at may diskarte
Subukan mong kantiin at ika'y makakarate
[A/N: Ilang votes po para sa kanila?.Guys ang votes niyo ay mahalaga.Poem ang pinaguusapan dito,at hindi basta-basta.Vote wisely :) Ang ganda din ng magiging future mascot ng RT! Follow niyo din sila,napakafriendly nila pramis :D ]