TGG Round 4 - Entry No. 5

50 3 2
                                    

Answer: Kandila

Title: Elevator Horror Story

Isa akong nurse sa isang liblib na lugar sa Tralala. Bilang nurse medyo mahirap ang buhay ko lalo na kung maglilipat ng mga pasyente dahil 17 floors ang ospital namin at iisa lang ang elevator, nangangain pa ng tao. Kung may choice lang ako lilipad na ako papuntang Timbuktu (literal yun ha).

8 hours ang shift namin dito at kadalasan akong na-aassign sa night shift. Mas gusto ko nga yun at least hindi masyadong toxic at bukod pa sa mas mataas ang sahod, 30 po kaya pinapakain ko. Mula sa pamilya ko, mga kapatid ko, tito’t tita, lolo’t lola, mga pinsan, mga anak ng pinsan, mga anak ng anak ng anak ng pinsan, mga anak sa labas, anak sa loob at anak sa kalsada.

 At ngayon nga, quarter to 12 na ng madaling araw at namatay na naman ang ilaw sa ospital for the 100th time this week at may dala-dala akong kandila dahil magro-rounds ako. Nang padaan ako sa isang pasilyo ay nakita ko ang isang pasyente naming na nagkakandahirap para makabalik sa kuwarto niya sa 11th floor. Mukhang nakalimutang ibalik ng mga day shift na nurse, paano ba naman nagmamadali silang umuwi at may shooting si Piolo Pascual sa tulay, tatalon daw siya dun habang ine-endorse yung bagong labas na Deodorant.

Mabalik tayo sa elevator kung saan kapapasok lang namin ng pasyente na kasalukuyang nakasakay ngayon sa wheel chair at nanahamik habang tulak ko siya. Siya si Rosalinda Walang Pan Te, 56 years old at na-confine dito dahil sa stroke. Pagkasarang-pagkasara ng elevator ay tumunog ang cellphone ko.

Napakasakit, Kuya Eddie

Ang sinapit ng aking buhay

Napakasakit, Kuya Eddie

Sabihin mo kung ano ang gagawin

Walang tingin-tingin sa screen na sinagot ko ang phone bago pa matapos ang lahat ng problema sa kanta.

“’O, wala pa kong pambayad sa utang ko. Bukas mo na ko singilin”, sabi ko at alam kong isa na naman ‘to sa mga nautangan ko. Lubog na lubog na ko sa utang, nakapangutang ako ng 10, 000 pambili ko ng asin last week. Mahilig kasi talaga ako sa asin kaya minsan yun na nga ang kanin ko yun pa ang ulam ko.

“Mamamatay ka na”, sabi ng isang nakakatakot na boses sa kabilang linya.

“Mauuna ka. Hahahaha”, nakakatakot din ang boses na sabi ko at binaba ko na ang phone, wala akong balak makipaglokohan sa kung sino man ‘yun lalo na’t may kasama akong pasyente ngayon.

Si Nanay Rosalinda ay kumakanta na ngayon ng “Bulaklak”. Bakit ba naman kasi hanggang ngayon wala pa kami sa 11th floor, ang tagal tagal naman gumalaw ng elevator na ‘to siguro dahil na naman ‘to sa nakalimutang magbayad ng may-ari ng ospital, inuna pa kasi ang pagbili sa Dyowa niya ng bagong kotse.

Bigla pang huminto ‘tong elevator sa 5th floor at narinig naming ang tinig sa Maintenance.

“Pasensisya na kayo, Ahhh ‘di pa naming maayos Ohhh yan. May pinagdaadaanan lang kaming laban ngayon nagpapabilisan pa kaming kumain ng saging dito.Sige hintay na lang kayo Ahhh”, at nawala na sila sa linya. Mga tao talaga ang hihilig sa saging, sabagay masustansya talaga ‘yun.

RTsians Team PresentationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon