Answer: Kandila
Panaginip
Sa kalagitnaan ng gabi ay nagising ako ng maramdaman kong naliligo ako sa pawis. Sinubukan kong buksan ang ilaw ng lampshade na nakapatong sa sidetable sa gawing kaliwa ng kama ngunit hindi ito bumukas. Wala sigurong kuryente. Kinuha ko ang cellphone ko para magbigay liwanag sa madilim na kwarto at para na din tignan ang oras. Alas dose pa lamang ng madaling araw.
Nandirito ako ngayon sa contel (Condo hotel) kung saan pansamantala nakatira ang mga magulang ko. Ako lang ang tanging nadirito ngayon dahil nagbabakasyon sila sa Madrid kaya't pinatira muna nila ako dito hangga't wala sila.
Sinubukan kong tumawag sa receptionist ng condotel para ipagtanong ang kawalan ng kuryente dahil alam kong may generator naman. Ngunit pati linya ng telepono ay putol. Naisipan kong lumabas ng kwarto ngunit sobrang dilim sa hallway.
Humanap ako ng flashlight sa mga gamit nila Mama ngunit nabigo ako, pati kandila ay wala. Ang tanging kandila na nandirito ay ang mga scented candles na kinokolekta ng Mama ko at ginagawang pang-display.
Naalala ko bigla na may delivery boy nanagdala ng isang package dito. Dumating siya kahapon at nagpaabot ng isang box para kay Mama.Agad kong binuksan ang package at naalalang kandila ang laman niyon. Napakahilig talaga sa kandila ng Mama ko. Naalala ko pa nga na may isang matandang babae na biglang sumulpot at ipinaalalang wag ko daw itong sisindihan. Seryoso ang mukha niya at mukhang nagbabanta bago siya umalis. Akala niya yata ay may balak akong sunugin ang condo gamit ang kandila, usisera pa.
Binalikan ko ang box na iniwan ko sa may coffetable. Inusisa ko ang kandila at inamoy. Ginamit ko ang liwanag na nagmumula sa cellphone ko upang makita ko ang itsura nito. Tipikal lamang ang itsura nito.Puti, mataba at mahaba. Wala ring amoy. Ang kaibahan lang ay may nakaukit na salitang "Erebus". Hindi naman siguro manghihinayang si Mama kung ito ang gagamitin ko.
(Erebus means darkness in greek)
Kinuha ko iyon at sinindihan sa kalan. Nang masindihan na ito ay bumalik ako patungo sa may hallway. May naaninag akong ilaw na kanina naman ay wala.Tinangka kong lumapit kung saan nanggagaling ang liwanag.
Laking pagtataka ko ng makita kong sa elevator mismo nanggagaling ang liwanag at gumagana ito dahil sa pagkakaalam ko ay walang kuryente. Madilim pa din sa hallway. Hindi na ako nagdalawang isip na sumakay. Pinindot ko ang "G" sa mga buton ng elevator para pumunta sa ground floor.
Maliwanag sa loob ng elevator, bawat sulok ay puro salamin at may CCTV sa itaas. Naisipan kong patayin ang sindi ng kandilang hawak ko ngunit napag-isip ko na baka walang kuryente sa labas kaya pinanatili ko itong nakasindi.
Hindi pa agad sumara ang pinto ng elevator at sakto naman ay may pumasok ang isang babae at sumakay sa elevator. Pinindot ko na ang buton para isara ang pinto ng elevator. Napansin kong walang pinindot na buton ang babae kaya't inisip kong sa ground floor din siya patungo.
Kahit saan ako lumingon ay nakikita ko ang babaeng kasabay ko sa repleksyon dahil nga sa mga salamain. Hindi ko lamang makita ang mukha niya dahil natatakpan ito ng mahaba at maputi niyang buhok. Buong byahe namin sa elevator ay tahimik lang siya at nakayuko. Biglang tumigil ang elevator at bumukas ang pinto.Agad namang lumabas ang babae. Napatingin ako sa bandang itaas kung saan may pulang LED light na nagsasabi kung nasaang floor na ako. Binasa ko ito at sinabing 13th floor. Napansin ko na madilim din sa palapag na iyon.