Answer: Kandila
Title: Kandilat
Eeekkk… Eeekkk…. Eeekkk…
Ano ba ang tunog na yan kanina ko pa naririnig. Kinikilabutan na ako. 12:00am na at ako lang mag-isa sa lobby. Nasaan na kaya ang receptionist ni guard wala! Ngayon lang nangyaring walang tao sa Condominium na ito ni isa.
Pumapatay sindi pa ang ilaw. Biglang tumunog ang cellphone ko sa sobrang gulat ko na may halong takot ko. Ay! Bigla akong naghubad. Hindi ko rin alam anong connection noon sa takot ko.
Si Nicole pala tumatawag. Siya ang kasama ko sa condo and at the same time my full time best friend.
“Hello! Nicole. Nandito ako sa lobby. Nakakatakot dito, patay sindi ang ilaw at walang katao-tao. Nasaan ka ba? Punatahan mo ko please.” bungad kong tawag sa kanya, hindi ko na rin maintindihan ang nararamdaman ko ngayon, bakit naman kasi 12 minnight na eh nasa lobby pa ako. Ano bang pinaglalaban ko dito.!
“Aaahhh… eeeerrrr…. Oooo….” Puro ungol lang narinig ko. Kinakain na ba siya ng multo o gumagawa ng multo… este milagro. Nasaan ba ang babaitan na ito.
Ano ba yan “Hoy Babae, sagutin mo…” napasigaw na ako dahil sa tensyon, mommy i wanna go home waaaaaaaa, natatakot na ako dahil sa panay sindi ng ilaw.
toot… toot… toot…
Ang walang h*ya. Binabaan pa ako ng telepono. Aakyat na nga lang ako sa unit ko nasa 13th floor. Kaya sinimulan ko ng kumilos, at naghanap ng elevator. "Ayun mabuti naman at merong gumaganang elevator kahit gabing gabi na" Pagpasok ko sa loob ng elevator ay biglang huminto. Jusme, naiihi na tuloy ako sa nerbyos.
Natataranta na ako. Bakit biglang namatay ang elevator, sana pala nag stares na lang ako, susme pati spelling ko namamali sa takot ko, pero buti na lang may ilaw…
Packing tape… Kung minamalas ka nga naman oh! Nawala pa ang ilaw. Nataranta akong kinapa kapa ang bag ko para kunin ang Cellphone ko para magflash light “Waaaaaaaaaaaaaaaaaaa” Napasigaw ako sa nakita ko. Takte. Salamin lang pala!
Nilibot ko ang tingin ko sa loob ng elevator, parang nangangamoy kandila dito sa loob ng elevator. Dahan-dahan akong tumalikod. Lumulutang na kandila ang nikita ko. “Waaaaaaaa….” para akong binuhusan ng malamig na tubig at naestatwa sa kinatatayuan ko, gusto kong tumili pero hindi ko magawa dahil nasa harap ko lang ang lumulutang na kandila.
“Huwag kang matakot. Tao ako, hindi multo” Pagputol ng isang lalake sa muntikan ko ng pagsigaw. Ang itim kasi niya kaya kala ko lumulutang ang kandila.
“Sira kasi ang elevator na ‘to iha kaya inaayos ko. Technician ako ng buiding na ito” Mahinang sambit ni Manong technician, nakahinga ako ng maluwag dun ahh! Buti at hindi pala ako nag-iisa. Nakakapagtataka lang bakit madaling araw rin siya nag aayos ng elevator saka nagiisa lang siya.