TGG Round 4 - Entry No. 2

82 3 10
                                    

Kandila ni Marie (Sino si Marie?)

Prologue kuno sa AMNLS wahahaha!

Nagkaroon ng Eye Ball ang ilang members ng Rema Team at labis na nagtampo ang ilang members ng Maasim na Dyosa dahil hindi sila nilibre ni @JeiBabes miski pamasahe man lang patungo sa Magamol. Kaya nagpasiya ang kanilang Team Leader na magkaroon ng imaginary Eye Ball sa Majarot Hotel sa Pasay.

Sa lobby ng nasabing hotel, nagkita-kita ang limang miyembro ng Team Dalandan na sina @yumenosora, @LilSaint25, @ThePreciousGurl, @tahahaharah, at ang kanilang Team Leader na si @Averruncus.

Masaya silang nag-kwentuhan tungkol sa ilang imaginary things, friends, at kung anu-anong imaginary. Dahil sa kakadaldal nila nauhaw sila, kaso wala silang pambili ng mamahaling inumin dahil naubos ang kanilang pera sa pag-check-in pa lang sa imaginary five-star hotel na ito. Naisipan ni @ThePreciousGurl na bumili na lang ng isang latang Cali.

Pinagpapasaha-pasahan nila ang isang latang iyon at hindi nila inaasahan na may mangyayari . . . Kailangan may mangyari dahil walang suspense.

PoV ko 'to walang e-epal! Hahaha!

"Party like a drunk! Party like a drunk! WHOOOOOOOOOOOOOO!"

"Lasing na nga, mali pa lyrics mo," mataray kong saway kay @LilSaint25 habang pinipigilan siya ni @yumenosora sa pag-headbang sa pader.

Grabe pala 'to malasing, ang ingay, nambubulabog at nakakairita. Take note, spirit lang ininom niyan nalasing na. Sobrang baba ng alcohol tolerance ng bata na ito.

Paano siya nalasing? Basahin mo na lang 'yung narration ko bago ako magsimula magkwento.

Nandito kami ngayon sa isang LRT station. Kung bakit nandito kami, syempre sasakay kami sa tren kaya nga sinabi ko na LRT station, eh. Dahil lasing na lasing na si @LilSaint at may tama na rin ng Cali ang iba, nagpasiya kaming sumakay na lang sa elevator.

Si @tahahaharah ang pumindot ng button para bumukas ito at agad na kaming pumasok sa loob.

"Welcome to this voice activated elevator, the Intelevator. Please select language." Nagulat kami sa nagsalita kasi ang cool ng boses nito at . . . Ba-ba-basta co-co-cool.

"Ta-ta-galog," sagot ni @ThePreciousGurl na hinimas-himas ang magkabilang balikat para mainitan. Grabe kasi ang aircon dito sa elevator parang nasa snow world kami.

"Ta-ta-galog is not a language."

"Shetmax, Filipino!" sigaw ko.

"Shetmax in not a language," sabi ulit ng elevator.

"Fi-filipino!" nangingig na sabi ni @tahaharah.

"Fi-filipino is not a language." Argh! Naasar na ako!

"Fili-"

"CONYO! WHOOOOOO!" si @LilSaint25 'yun. Grabe may lakas pa pala itong sumigaw.

RTsians Team PresentationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon