Late Entry.
Answer: Skin
Title: Beauty is Skin Deep
Bakit ba tayo umi-english eh We're no English man, we're Filipino. LOL!
Kaya magtatagalog na ako at ang ating pamagat ay "Kagandahan ng balat sa ilalim" pero wala itong kinalaman sa storya nating ito....
Ang lahat ay nagsimula kay Neneng B o mas kilala bilang si Neneng Balat. Tulad ng Ibang batang babae si Neneng B ay maganda, masayahin at mapagmahal ngunit hindi niya maitatago ang kaibahan niya sa ibang bata.
Lagi siyang tinutukso, kinatatakutan at tinataboy. Dahil sa kanyang makulay na balat. Taglay niya walong kulay ng isang bahaghari kaya't tinatawag siyang, walking rainbow, batang colorful, abnormal, kulaleng at kung ano-ano pa.
Walang nakakapaliwanag kung bakit ganoon ang kulay ng balat niya kahit pa ang mga Doktor, Scientist, Agbulario pati mga Beterinario at Dentista ay tinanongan na ng magulang niya ngunit hindi pa rin nila matuklasan ang tunay na dahilan kung bakit kakaiba ang balat ni Neneng B.
Sa Paaralan...
"Teacher, pwede bang si Neneng B na lang ang gawin kong pangkulay sa drawing ko? Wala kasi akong colors." Pang-aasar ng kaklase ni Neneng B at nagtawanan ang buong klase.
"Magsitigil kayo!" Sigaw ng kanilang guro
Hindi napigilan ni Neneng Umiyak.
"Tahan na Neneng B. Maganda ka naman eh! bukod doon ay mabait ka pa. Huwag mong pansinin ang mga salbaheng iyon." Sabi ng isang estranghero.
"Sino ka?" Sagot ni Neneng B.
"Ako si Jacob." sabay ngiti ng isang batang lalaki.
Ngayon lang naka-ngiti at natuwa si Neneng B sa buong buhay niya. Hindi niya inaasahang may kakaibigan pa sa kanya.
"Pwede mo ba akong tulungan?" pag susumamo ni Jacob.
Dahil tuwang-tuwa si Neneng sa bagong kaibigan niya ay sumagot naman ito ng "Oo naman! kahit ano."
"Pwede mo bang kulayan ang Project ko na ito? Batang color ka naman eh! HAHAHAHHAHA!" Sabay tawa ng malakas ng batang salbahe.
Umiyak si Neneng B pauwi ng bahay. Kahit kelan ay hindi na niya makukuha ang respeto dahil makukulay niyang balat...
Pag-uwi niya sa bahay ay agad kinulong ang sarili sa kanyang silid. Uwiyak ng umiyak hangang sa nakatulog.
kinabukasan...
Ring.... ring.... ring...
Pag-iingay ng alarm clock niya. 6:49am na pala ng umaga at mahuhuli na siya sa 7:00am Class niya....
Natataranta itong tumingin sa mga balat niya....
"Haaayyyy," Buntong hininga niya!!
"Panaginip lang pala!"
The End!
_________________________
Word Count: 376