TGG Round 2 - Entry No. 2

123 7 5
                                    

Answer: Balat/Skin

Title: Dory's Memory

Summer na nga talaga! Kumpara sa normal na araw, marami ngayon ang cliyente namin dito sa clinic. Mga anak mayamang nagpapaputi ng bikini line, nagpapa-wax ng legs at kung anu ano pang beauty treatments na may kinalaman sa pagsasalida ng magaganda nilang balat at kutis ngayong bakasyon.

I ran and owned this skin clinic slash beauty salon and spa. Yup, I’m a dermatologist. The most trusted in town. Syempre dahil magaling ako. Balatan ko pa yang pimples mo eh!

Alas tres y media na ng hapon. Madalas ganitong oras ang break ko. Petite ako pero yung mga imaginary bulate ko, patay gutom. So I need to grab something for my growling tummy.

Lumabas ako ng office diretso sa fire exit. Sa second floor lang naman ang office ko and I wouldn’t mind walking down these stairs. At least dito, mabilis akong makakalabas. Kung sa designated stairs kasi ako sa loob dadaan, haharangin lang ako ng chika ng mga baklitang staffs ko.

Diretso ang lakad ko sa mini stop about two blocks away from my building. Kumuha agad ako ng Chicharong Chicken Skin ni Mang Juan at C2 Apple saka binayaran sa counter. Kumunot ang noo ko nang mapansin kong bago na naman ang cashier dito. Ang daming reserve employees ng company na 'to ah!

“Bago ka?” Tanong ko sa lalaking cashier na nakangiti sakin.

“Hindi po. Isang buwan na po ako rito, ma’am.” Aniya

“Ah.” Tumango nalang ako out of confusion. That’s weird. Galing naman ako dito nung isang araw pero hindi ko maalala ang mukha niya.

Oh well. I shove that thought away. Nagiging makakalimutin na kasi ako this past few days especially in remembering names and faces. Maybe because of stress? Uh oh. Pero magaling parin akong Derma ah. Balatan ko pa yang pimples mo eh!

Umupo ako sa mini dining bar and started eating my junk. Habang sumusubo ako ng chicharon, nalingunan ko ang mag-jowang hanep sa ka-sweetan sa tabi ko. Kala mo naman kung ano ang sinusubo nila sa isa’t isa. Saging lang pala! Humahagikhik pa talaga si girly.

“Kaloka.” I whispered. Na-stress ng konti ang flawless skin ko.

Sige lang sila sa ginagawa nilang subuan. Hindi man lang nailing sa masamang tingin ko o sa presenya ng iba pang taong kumakain dito. Kadiri kaya. Ew! Chos lang! Hindi ako bitter.

Then one memory flashed forth before my eyes.

Naalala ko na naman siya.

Si Jayden at ang kaniyang saging.

Kakabukas lang ng 'Salon de Mamita' noon at talagang sa tapat pa mismo ng building namin ang napili nilang venue. How much more insult would that be when they had something that my salon doesn’t. Nail Art. Gusto ko sanang i-try.

“Ateng, magkano po ang nail art?” tanong ko sa tsinitong bakla na malaki at halatang alagang gym ang katawan na nakaupo sa may counter habang kumakain ng malaki at mahabang saging. Macho nga, binabae naman. Sayang!

RTsians Team PresentationsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon