Please re-read the introduction. I have edited it.
—
My bestfriend
"Suarez, I want you to publish this before the week ends, okay? Please submit it to me immediately once you're done editing it."
"Yes, Ms. Tolentino."Ngumiti ang moderator ng school jornal org bago lumabas ng room. It's my 3rd year in college and I finally got a chance to be the editor in chief!
Pangarap ko talagang maging isang journalist or an author someday."Yes! Tapos na agad ako!" Narinig kong ni-exclaim ni Phoebe at sinabayan niya pa ito ng palakpak. Nasa tabi ko lang kasi siya.
I sighed, "buti ka pa. Ano bang inassign sayo?"
"Announcement lang naman para sa upcoming events. Sisiw lang. Ito oh." Inabot niya sa akin ang finalized output niya. Lahat ng works nila dito ay mapupunta sa akin para i-check ko ang mga gawa nila. Syempre, may tungkulin parin ako dito like I'm im charge of the knowledgeable trivias about anything most especially about our university.
I scanned the papers carefully at nakitang maganda at presentable ang ginawa ni Phoebe. Something that can build up our fellow student's interest. I smiled when I saw Harvey's name on the top dahil siya ang chosen representative para makipag-compete sa ibang university at kasali niya pa ang kapatid niyang si Sabrinna doon.
"Ang galing talaga nila." I thought loudly. Harvey never fails to amuse me with every success he does.
"Syempre, Del Valle 'yan, e!"Patuloy pa akong nagbasa at nakita kong si Chie naman ang magrerepresent ng university namin para sa isang malaking tanghalan. Tandem nanaman sila ni Zach sa pag-awit. Nakalagay rin doon na marami siyang sinalihang activities at nagbabalak pa itong mag-organize ng isang charity event sa isang ampunan.
"Taray ni ate girl, diba? Maganda na, may talent pa, matalino pa, ang bait pa. Kaya talagang nalilink kay Harvey, e. Bagay talaga sila."
Napaismid naman ako sa sinabi ni Phoebe pero syempre hindi niya napansin iyon dahil namamangha parin siya sa ginawa niya. I know, walang wala ako kay Chie pero alam ko rin na Harvey don't do girlfriends. He's not into it kaya panatag ang loob ko. As long as single si crush, then I am happy.
"Bagay? Parang hindi naman." I said, bitterly.
"Uy, ikaw lang nagsabi niyan. Sikat kaya fanclub nila!"
Napatingin ako sa kay Phoebe na kasing tangkad ko lamang at maiksi ang buhok. "Anong fanclub?" Hindi ko alam yun ah! How come I didn't know? Updated ako when it comes to Harvey! Now that claims that I'm not that updated.
"Nung kailan lang kasi 'yon. Nalaman ko lang rin sa ipa-publish ni Zoey. Alam mo nang chismosa ang isang 'yon kaya bagay sa kanya ang role niya dito sa journal club." She said habang inaabot sa akin ang output ni Zoey.
Golden Trend kuno. Kung saan lahat ng nangyayari around the school ay napupunta dito. Kaya naman ay maraming followers si Zoey sa social media.Nabasa kong may fans na nga si Harvey at Chie pero hindi daw nila pinapansin ang mga ito. Mitchie Nichole Del Valle pa ang pangalan ng tawag nila kay Chie. Sus! Hindi naman sila kasal ni Harvey. Bakit ganun ang nilalagay nila?! E mas masarap pa ngang pakinggan ang Irish Sophia Del Valle.
'Harvey and Chie spotted together!' At may mga stolen shots pa ito. Grabe talaga kung mag conclude ang mga tao ngayon.
"Feeling ko nagdi-date na ang dalawang 'yan."
I looked at Phoebe weirdly, "hindi interested si Harvey sa relationships. Studies ang inuuna niya." Binalik ko sa kanya ng padabog ang mga ginawa ni Zoey.
"Girl, that was way back high school! 4th year college na sila at matagal na silang magkaibigan."
Leche 'tong damuhong 'to. Pinaglalaban pa, e sabing hindi.
"Bakit ka ba ganyan magreact? Oooh. I almost forgot that you're friends with the Del Valle's." Tumango-tango ang babae in realization. "So, ano? Tingin mo walang meron sa dalawa? Gaano mo ba kadalas sila kasama?"
Bumalik ako sa aking gawain pero sinagot ko parin siya without facing her. "Basta, ang alam ko, wala." Hindi ko naman sila masyadong ka-close, e. Si Zach lang talaga ang masasabi kong kaibigan ko sa kanila. Pati na rin si Sab... Si Harvey, minsan pinapansin ako, madalas, hindi.
"E sinong partner mo sa kanila? Ay, ba't pa ba ako nagtatanong? Of course, it's Zach."
This time, I faced her nang umikot ako sa swivel chair. "Huh?"
"Ang keme mo, girl." Tumawa si Phoebe at inabot sa akin ang isang alam kong si Zoey ang may gawa at balak niya itong ipublish. "Kailan pa kayo?"
Nang makita ko naman ang mga pictures namin ni Zach ay hindi ko mapigilang tumawa. "What the..."
"Kunyari ka pa, Irish."
"Ano ba 'to? Zach's my bestfriend, for God's sake." Umiling ako sa tawa. Pero natigil ang tawa ko sa napansin ko sa mga pictures namin ni Zach.Madalas ang stolen namin kung saan siya'y nakatingin sa akin habang ako naman ay nakatingin sa kawalan.
YOU ARE READING
(LW Series) Book 1: IT WAS YOU ALL ALONG
Fiksi RemajaThe series was called "Love Wins" because the characters given in the story have encountered different experiences about love and no matter how many obstacles it faces, love will always find its way to win at the end. The series is composed of dif...