Episode 1

28 0 0
                                    

Dream

All the students are cheering while I stood there, still stunned about the moment. I can feel my heart pounding faster and my legs began to shake. I can't believe it! It's really happening!

I stared at him, not knowing how to react. The popular Harvey Sebastian Del Valle is actually holding a bouquet of roses while his other friends assisted him bu holding balloons, a stuffed toy and chocolates and his two other friends are singing from behind!

"Irish Sophia Suarez... Will you be my girlfriend?"
Halos tumalon ako at mag-back flip sa tuwa. Ito ang pinakahihintay kong mangyari all my life that I can't help myself from smiling widely. Alam kong namumula na ako ngayon na parang kamatis but that doesn't matter. Harvey's proposing to me.

He smiled, showing his precious dimples. Oh my god, look at how gorgeous he is!

"Yes, I'd be honored to be yours, Harvey."

My fellow students roared, even the professors were there, the school admin, everyone! Napa-fist pump si Harvey nang sumilip siya sa mga kaibigan niya nagsisi-high five nang sagutin ko ang kaibigan nila.

Tinanggap ko ang dinala niyang bouquet ng roses as he leaned closer, still smiling. He leaned closer as our faces got inches apart from each other... Closer, until....

"HOY, IRISH! GET YOUR LAZY ASS UP! ANONG ORAS NA, OH?" Napadilat ako at nakita ang mukha nang pinsan kong iritadong iritado na kakagising sa akin.

I looked around. No students, no roses, no Harvey. As usual.
I sat up and sighed. Sinira nanaman ng magaling kong pinsan na si Katherinne ang panaginip ko. Nandoon na, e! Hahalikan na ako!

Tsk. I know those kind of miracles only happens in dreams. But at least, diba? Napanaginipan ko si crush! Again.

Oh, enough, Irish. You have to get ready for school.

Mabilis akong kumilos para makapasok ng maaga. Syempre, nag-ayos pa ako para naman maging okay ang itsura ko pag nakasalubong ko si Harvey my love so sweet. Nag spray na rin ako ng pabango para maimpress ko pa siya lalo.

"Uy, ano ba 'yan? Sakit sa ilong ng pabango mo!" Reklamo ni Kath. Lagi mo nalang ba talaga sisirain ang moment ko?

"Hindi naman ah." Inamoy ko yung pabango. "Buy one take one nga lang 'to, e. Pero mabango naman."

"Nakakasuka na yung amoy, cheap pa. Ay naku, Irish." Arte nito. Ni-spray-an ko nga kaya agad siyang umiwas. "Irish! Ano ba?! Di nakakatuwa!" Tumawa ako at umirap naman ito. Nagpatuloy siyang ayusin ang sarili niya kahit na hindi na naman kailangan. Paano ba naman kasi, e dyosa yata ang ninuno nitong pinsan ko. Matangkad at makinis pa. Kaya ang daming nahuhumaling at madalas na namamanyak, e.

Nang marinig naman namin ang busina ng sasakyan ni Zach ay agad kaming nagmadali. Nanguna agad si Kath sa harap para makatabi niya si Zach dahil sa ito'y crush niya. Umiling naman ako. Alam ko kasing ayaw sa kanya ng bestfriend ko.

Nang makarating naman kami sa school ay agad sinalubong si Kath ng kanyang mga volleybal teammates. Kaya naman natira kaming dalawa ni Zach na sabay na pumasok sa school.

"What's with the long face?" Tanong ni Zach nang mapansin na hindi ako nagsasalita.

Umirap ako sa kawalan. "You're a bad cupid, Zachary."
"Huh?"

I sighed in disbelief. "Damn it, Zach. Hindi mo pa ba nabibigay yung chocolates na pinapabigay ko para sa kuya mo?"

Pang-asar na tumawa ni Zach na ikina-nguso ko. "I ate it up last night."

"WHAT?!" I exclaimed na ikinabigla ko. Masyado yatang napalakas ang boses ko dahil napatingin ang mga tao sa akin. "I'm sorry, I mean, what?"

Zach shook his head and smiled, "umaasa ka parin ba talaga, Irish?"

Pinanliitan ko siya ng mata at patuloy kaming naglakad patungo sa locker ko. "You shouldn't answer a question with a question, Zach. Now, answer my question!"

Zach sighed, "the guy should be the one who's approaching the girl. Hindi dapat nanliligaw ang babae."

I gasped at what he stated kaya agad ko itong binatukan. "First of all, hindi ako nanliligaw kay Harvey. Secondly, pinapabigay ko lang naman yung chocolates 'cause I admire him! Tsaka, ano ngayon kung babae ang unang mag-aapproach?"

"Ganun na rin 'yon, Irish. Masyado ka pang hindi mulat sa ganyang bagay." Humalakhak ito na siyang kinainis ko kaya naman hinampas ko na. "Aray! Hey, watch it! Namumuro ka na ha. Baka nakakalimutan mong kapatid ko ang nililigawan mo. Naku, hindi papasa ang ganyang sadista sa Del Valle."

I laughed sarcastically. "Ay, sorry na, Bayaw. Ito naman. Ganyan naman talaga ako manlambing, e. Hindi ka na nasanay."

Umirap si Zach at inayos ang kanyang buhok. "I'm just stating the facts, Irish."

I smirked at nakarating na kami sa tapat ng locker ko. "I don't care, as long as I'm happy, papagpatuloy ko ang pagpapakita ko ng motibo kay Harvey."
"Whatever."
I opened my locker at may nalaglag na white na papel doon. I smiled seeing the paper. "Hey, look what I've got."
"What?"
"A letter from a secret admirer."
"Kanino galing?"
Nanliit ang mata ko kay Zach habang clueless naman ito sa inasta ko. "Alam mo, gwapo ka sana kaso shunga ka. Secret admirer nga diba? Naku, kung hindi lang kita kaibigan, ewan ko nalang." Umiling ako at binuksan ang sulat.

Good job for being the editor in chief on the school's journal club. Keep it up!

I smiled pero nawala agad nang marinig kong bumubulong-bulong si Zach. "Secret admirer? Tss. Baka nagkakamali lang ng lagay 'yan sa locker mo." Hinampas ko na ulit. "Sino kaya ito? Not everyone knows I'm the new editor in chief! Ikaw lang, my co-members and the student council! Oh, I bet it's Harvey!"
Tumawa naman si Zach. "Harvey's not that kind of guy you know. Don't you think it's absurd? I mean, bakit niya yan dinadaan sa sulat lang? Bakit hindi niya sabihin ng personal?"
"Maybe he's just shy or whatever. I think it's sweet."
"You do?"
I nodded. Sana lang talaga si Harvey ang sumusulat sakin nito. Kung malaman ko lang na siya ang secret admirer ko, naku! Naku talaga! Naku naku!
Speaking of Harvey. There he is! Shit. Ang gwapo talaga niya. Nakataas nanaman ang kanyang buhok! Ahhhhh! Ang galing talaga niyang pumorma. Preskong presko kahit nakasimangot!

Napangiti ako pero agad napawi iyon nang makita kong sinalubong siya ni Chie.

Ayan! Magkasama nanaman sila. Galing diba? Mukhang tuwang-tuwa pa ang dalawang senior students habang naglalakad. I can see Harvey's dimple smile from here. Tuwang tuwa siyang kasama itong mestisang chinitang ito na mukhang inimport galing Japan. Chinito rin naman itong si Harvey, pero hindi sila bagay. Mukha silang magkapatid. Yes, ako lang yata ang naniniwala doon 'cause everyone sees that they're good together.
"Ooh~" Asar ni Zach. I glared at him at stared at Harvey and Chie once again.

Chill, Irish. Alam mo sa sarili mo na walang meron sa kanila. Close friends lang sila. Like you and Zach. That's all.

(LW Series) Book 1: IT WAS YOU ALL ALONGWhere stories live. Discover now