KABANATA 8

140K 1.6K 87
                                    

Karl's P.O.V.

I will give up everything I worked hard for masiguro ko lang na matigil na siya pagbebenta ng sariling laman. Kung kailangan ko s'yang tutukan at bantayan bawat oras, gagawin ko. Kung kailangan ko itong bitbitin kahit saan ako magpunta, hindi ako magdadalawang isip, kahit pa ang dulot sa akin ng kanyang pag-uugali'y puro sakit ng ulo at pagkayamot.

"Anong gagawin mo sa Macau?" nangtse-check-in na kami sa eroplanong sasakyan namin patungo sa nasabing lugar.

Hindi ako umimik. Nabubuwisit kasi ako sa damit na pinili n'yang isuot. Kahit kasi anong gawin kong utos sa kaniyang palitan nang mas disente ang suot n'ya, ayaw nim'yang magpalit. Pa'no ba naman akong hindi mabubuwisit? Halos kita na ang kaluluwa n'ya sa suot-soot n'ya; bukas sa likod at harap, at kitang-kita na ang kanyang kuyukot sa iksi ng skirt na suot n'ya. Pinagtitinginan tuloy kami ng putang inang mga tao sa airport!

"Hoy! Kinakausap kita!" Patakbong hinahabol nito ang paglalakad ko papasok ng eroplano. Hindi ko pa rin ito pinansin. Bahala siyang mamaos. Mainit ang ulo ko. "Wow, business class pa talaga ang reservation mo ha? Bigatin ka na talaga siguro ano? Ano ba ang negosyo mo? Legal ba 'yan? Baka naman drug trafficker ka o kaya naman eh human trafficker...blah... blah...blah..."

Putang ina. Talak siya nang talak. Ang ingay! Hindi tuloy ako makapag-isip nang maayos.

"Would you please shut up?!" Hindi na ako nakatiis. Nakukulili na kasi ang tenga ko sa kakatalak n'ya. Buwisit.

"Ay, ang sunget n'ya. Eh kung ayaw mo pala nang maingay, eh bakit bumayad ka pa ng mahal para isama ako rito. Hoy Mr. Montalban, para sabihin ko sa iyo, mag-iingay ako kung kailan ko gusto! Kung hindi mo ma-take, eh madali lang ang solusyon d'yan, magpapaiwan na ako bago pa makalipad ang eroplanong ito...blah...blah...blah..."

Buwisit! Grabe talaga ang ingay ng babaeng ito. Kung hindi ko lang talaga ito mahal 'to baka inihagis ko na 'to sa bintana!

I need to find a diversion bago tuluyang masira ang araw ko sa bunganga n'ya. Kinuha ko ang earphones at nakinig na lang ng soothing music hanggang sa mapaidlip ako.

"Hoy!" Sigaw n'ya sa tenga ko matapos n'yang i-angat earphones ko. Napaiktad ako sa ginawa n'ya. "Nag-landing na po tayo! Dito mo na ba balak tumira? blah...blah...blah..."

Argh! Eto na naman po! Hindi ko alam na nakatulog na pala ako all throughout the trip. Marahil dahil medyo hindi rin ako napagkakatutulog nang maayos lately.

"Wow, ang susyal naman ng hotel na 'to." Nang nakapasok na kami sa suite na tutuluyan namin for a week. "May jacuzzi pa talaga at hmmm ang bango-bango rito!" Lumakad ito at sumilip sa may balcony, "Wow, ang ganda naman ng view...blah...blah...blah..."

Jeez. Wala na talaga akong masabi sa bunganga ng babaeng ito. Sa lahat na lang yata ng nakikita n'ya meron s'yang sinasabi. Sa kaliitliitang bagay, meron lagi s'yang opinyon.

"Hoy, kuya Karl!" Huh! Tinawag na naman niya akong kuya? "Bakit ba ang tahitahimik mo r'yan? Kanina pa akong salita ng salita ah. Sa Pilipinas pa lang kinakausap na kita, pero ayaw mo man lang mag-react. Anong drama natin dito, dedmahan...blah...blah...blah..."

"Kailan ba nasira ang preno ng bunganga mo Samantha?!" Nakakunot-noong pagputol ko sa pagsasalita n'ya tungkol sa kung ano-anong hindi ko na maintindihan. "At saka pwede ba? H'wag na h'wag mo nga akong matawag-tawag na kuya? Hindi kita kaano-ano, hindi kita kadugo, ni hindi kita malayong kamag-anak!"

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon