KABANATA 15

103K 1.3K 49
                                    

Karl's P.O.V.

"I'm sorry, Karl. Siguro nga, mahal pa rin kita."  hinubad nito ang sing-sing na isinuot ko sa kanya at pagkatapos ay kinuha nito ang aking kanang kamay upang ipatong 'yun sa aking palad. "Pero...mahal ko na rin si Fidel. He's been good to me. Hindi ko s'ya p'wedeng iwanan ng ganun na lang. Nakapangako na ako sa kanya."  Umiiyak s'ya. Halatang nahihirapan ding sabihin ang mga pinagsasasabi n'ya. "At wala na akong balak itong bawiin pa."

"P-pero Sam...mahal na mahal kita. Wag mo nam--" Pumipiyok kong sagot sa kanya na hindi na n'ya ipinatapos.

"Sa iba mo na lang ibaling ang pag-mamahal mo, Karl." Inihinto n'ya ang kanyang pag-iyak; kaalinsabay ito ng biglang panlalamig ng ekspresyon ng kanyang mukha, "Sa dami ng pinagdaanan nating aberya at sa paulit-ulit na pamamagitna ng mga humahadlang.  Malinaw pa sa sikat ng araw na hindi talaga tayo para sa isa't isa.  Pabayaan mo na ako. Isoli mo na ako kay Fidel.  Sa kanya na ako.  Hindi na ako babalik sa 'yo."

Animo'y gumuho ang mundo ko.  Hindi ko alam kung anong susunod kong gagawin. Dapat ko pa ba itong pilitin kung ayaw na nito sa akin?

Kasalanan ko ito.  Hindi ko s'ya pinag-ingatan.  Hindi ko s'ya tinrato ng maayos. Hindi ko naiparamdam ang pagmamahal na dapat ay noon ko pa ipinaramdam sa kanya. Nasa akin na s'ya mula pa sa simula, pero dahil hindi ako marunong manindigan para sa kanya, paulit-ulit ko s'yang naiwawaglit; at ngayong nga'y tuluyan na yatang mawawala na ito sa mga palad ko.

***

"Ikinasal na pala si Samantha kay Fidel Jimenez?" sambit ni Papa habang binabasa ang announcements sa broad paper habang magkasabay kaming nag-aagahan.  Kailan ko lang napag-alaman na magkakilala pala sila ng p*tang inang gurang na yon!  Dati raw silang magkasama sa Chamber noong mga panahong active pa si Papa sa aming mga negosyo.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

Hindi ako umimik.  Pero kita ko naman sa gilid ng aking kanang mata na nakatingin ito sa akin.  Alam niyang naaapektuhan ako.  Alam n'yang nasasaktan ako. Pero tila nagtatanga-tangahan ito sa pag-astang walang nalalaman.  Kung meron man akong isa sa maraming maipipintas sa Papa ko, ito na 'yun.  Mahilig itong magpahapyaw at magparinig na tila ba hindi n'ya ako kayang kausapin ng deretsahan.

"That will make Samantha wife number four, then."

Number 4?  Ganun na karami ang naging asawa ng matandang 'yun? Ang p*tang inang 'yun?! At isinama pa talaga n'ya si Samantha sa listahan n'ya?!

"Gaano n'yo s'ya kakilala?"  Matamlay kong tanong kay Papa.

"I don't really know him personally.  Ipinakilala lang s'ya sa 'kin ng isa sa mga Board of Directors natin ten years ago."

"I see."  Mahina kong sagot. Nakayuko ako at nilalarolaro ang pagkain ko.

Wala akong gana.  Wala na akong gana sa kahit ano. Marami sa mga negosyo ko overseas ang iginive-up ko na, wala na rin kasi akong ambisyon. Bahala na lang.  Itong local businesses na lang na dating pinapatakbo ng Papa ang itinutuloy kong patakbuhin.  I have enough stress thinking about how miserable I am, ayoko nang dagdagan pa ang mga alalahanin ko.

"Ikaw ba? Kailan mo ba planong mag-asawa para mabigyan mo naman ako ng apo." 

Hindi ako umimik.  Nakaka-buwisit naman kasi ang tanong n'ya.  Alanganin. Tila nananadya. Umalis na lang ako kaysa sagutin ko ito ng alanganin.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon