KABANATA 13

110K 1.5K 133
                                    

Samantha's P.O.V.

Totoo nga palang hindi madaling maging amo si Mr. Jimenez. Kapag may iniuutos ito sa akin, kailangan gagawin ko agad. Kapag hindi ko ito natatapos, o kung hindi pumasa ang trabaho ko sa standards niya, kinagagalitan n'ya ako kahit pa sa harapan ng iba pang mga empleyado. Pero dahil na rin siguro sa masalimuot na pinagdaanan ko sa buhay, balewala na lang ito. Kahit ipahiya pa nga n'ya ako--o insultuhin, balewala na lang sa akin. Wala rin naman kasing mangyayari kung magpapakasensitibo ako.

He's such a workaholic. At dahil ako ang sekretarya n'ya, hindi ako p'wedeng magpahinga unless magpahinga rin s'ya. May mga pagkakataon na halos bumigay na rin ang katawan ko sa sobrang stress at iba't ibang health issues. Madalas akong malipasan ng gutom at napupuyat. Madalas din ako dapuan ng sipon, ubo at lagnat lalo na kapag pumupunta kami sa iba't ibang lugar na may hindi kaaya-ayang panahon. Ang isa pang problema sa kanya, he doesn't care kung may sakit ako, basta kapag kailangan ako nito, dapat akong magtrabaho.

"Hoy Samantha!" Si Jobelle yun, isa sa mga Marketing Staff, "Bilib din ako sa staying power mo. Tumagal ka kay Sir ng isang buwan?"

Nginitan ko lang ito. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko ngayon. Tatlong araw ko na itong iniinda, simula nang dumating kami mula sa Malaysia.

"Ang sarap mong bigyan ng medalya Neng!" Sabi naman ni Pia. Sekretarya ito ng Vice President ng kumpanya. "Pero dear, mag-pa-check up ka nga, ang laki na kasi ng ibinagsak ng katawan mo simula ng nagtrabaho ka rito."

"Nung nag-umpisa ka rito, medyo may laman ka pa, ngayon, buto't balat ka na. Ok ka lang? Nagpapakamatay ka ba?"

Nakangiting umiiling-iling lang ako sa kanila; itinutuloy ko lang trabaho ko. Kailangan ko kasing tapusin ang paperwork ko bago mag-lunch break ang boss ko, kung hindi, tiyak malalagot na naman ako. Kailangan daw kasi nito ang mga papeles na ito sa luncheon meeting niya ngayong araw na ito.

"Miss Cruz! Will you come here?!" Galit na pagtawag ni Mr. Jimenez sa akin through the intercom. Napatingin din ang ibang empleyadong nasa malapit lang. Lahat sila, tinapunan ako ng naaawang ekspresyon.

"Sir?" Bungad ko, pagkapasok na pagkapasok ko pa lang sa opisina ng boss ko.

"Ano 'to?!" Galit na galit ito. Ipinakikita nito sa akin ang isang asul na folder. Lumapit ako sa unahan ng lamesa n'ya, para mas makita ko ang tinutukoy n'ya sa malapitan.

"H-hindi ko po alam, Sir?" Eh hindi ko naman talaga alam eh. Ano ba 'yun? Ngayon ko nga lang nakita 'yun eh.

"Exactly! Hindi mo alam. Eh kasi, kanina pang umaga 'to sa lamesa ko! Hindi mo man lang chi-neck?! Take this!" Sabay tapon ng folder sa harapan ko. Kaunti na lang mahahagip na sana ng folder na 'yun ang mukha ko. "I want that done in 20 minutes."

Ha? Naku, pa'no kaya 'yung ipinagagawa n'ya na kailangan kong matapos bago s'ya mag-lunch time. Kalahating oras na lang, lunch time na n'ya!

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2014, All rights reserved.

"S-sir may isa pa po kayong report na ipinagagawa sa akin baka po hin---"

"Hindi mo na kaya?! Sabihin mo lang, hindi mo na ba kaya?!"

Masama ang pakiramdam ko. Masakit ang ulo ko. Giniginaw ako. Nahihilo ako. Masakit ang tiyan ko. Nasusuka ako. Masakit ang kalamnan at kasukasuan ko...pero kaya ko 'to.

"K-kaya ko po, Sir."

"Then get out of my sight and do it!"

Ang lakas ng boses n'ya, I'm sure naririnig din ng iba ko pang mga kaupisina ang pagbulyaw n'ya.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon