KABANATA 9

127K 1.5K 46
                                    

Samantha's P.O.V.

Hayup s'ya. Ang yabang-yabang. Kung pagsalitaan n'ya ako eh tila wala s'yang contribution sa pagkasira ng buhay ko.

Putang ina n'ya!

Walanghiya siya!

Hindi ako dapat umiiyak dahil ipinangako ko sa sarili ko na gagantihan ko s'ya. Pero heto ako't naiwan na namang luhaan... talunan. Wasak na wasak na nga ako, pero bakit tila hindi pa s'ya nakukuntento. Ano pa ba ang kailangan n'ya sa akin?

Siguro nalaman na n'ya ang ginawa ng Mama sa kanyang Papa. At dahil do'n, ako ang ginagantihan n'ya ngayon. Pero ano naman ang kinalaman ko sa kasalanan ng demonya kong ina? Gayung ako nga mismo'y isinusumpa s'ya sa pagpatay n'ya sa Papa ko.

Punyetang buhay.

Punyeta...ang buhay ko!

Bakit kasi hindi na lang ako mamatay? Wala na rin naman akong dahilan para mabuhay sa mundong ito.

Tuyot na siguro ang katawan ko sa kaiiyak ko ngayon. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Ang sakit kasi.

Ang sakit-sakit kasi si Karl ang nagsasabi sa akin ng ganung kasasakit na mga salita. Buti sana kung sino lang pontio plato lang d'yan ang umaapak ngayon sa pagkatao ko, pero si Karl ito...ang una at nagiisang lalakeng minahal ko.

Shit!

Sana h'wag na muna siyang dumating dito sa suite dahil hindi ko alam kung papaano ko patatahanin ang sarili ko. Ang sakit na nga ng ulo ko sa kaiiyak, at tiyak na mukha na ring syomay sa pamamaga ang mga mata ko.

Dalawang oras din ang lumipas bago s'ya nakabalik sa suite. Mabuti naman. At least, nakapag-ayos na ako ng sarili ko. Hindi n'ya maaaring mahalata na nagtagumpay s'ya sa pananakit sa akin. Pero pa'no ko ba maitatago ang pamumugto ng mga mata ko?

Aha! Shades.

Shades?

Papagabi na, magse-shades pa ba ako?

Kung tadtarin ko na lamang kaya ng eyeshadow ang talukap ko? Hmmm...hindi naman kaya magmukha akong racoon?

Argh! Lintek. Bakit ba kasi napaka-iyakin ko pagdating kay Karl?

"Namamaga ang mga mata mo? Umiyak ka ba?"

Nakakainis. Iniiwasan ko na ngang mahalata n'ya pero 'yun pa mismo ang ibungad n'ya.

"Hindi, kinagat ako ng ipis." Nang-uuyam na sagot ko.

"Paano ka kakagatin ng ipis eh wala namang ipis dito." Tatawa-tawa s'ya. Nakakainis talaga!

Hindi na ako umimik. Ano pa ba ang masasabi ko eh nabuking na nga.

"Nakapagdesisyon ka na ba? O sasagarin mong pagisipan ng bente quatro oras?" Napakakasuwal ng pagkakatanong n'ya na para bang napakasimple lang ng hinihingi n'ya. Nakangising aso pa ito kaya't naasar ako lalo.

"Sa 'yo na yang thirty million mo. Ayokong magkaanak na 'yo." Deretchahan kong sagot.

Napawi ang ngisi n'ya; napalitan 'yun ng matalim na pagtitig sa akin.

Forbidden LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon